Pagpapakilig nina Ruru Madrid at Yassi Pressman hindi pilit: ‘Tinginan pa lang, naramdaman agad namin yung koneksiyon’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Yassi Pressman at Ruru Madrid
NANINIWALA ang Kapuso Action-Drama Prince na si Ruru Madrid na hindi pilit ang pagpapakilig ng tambalan nila ni Yassi Pressman.
Si Yassi ang bagong leading lady ni Ruru sa upcoming romcom movie ng Viva Films na “Video City” at ang dalaga rin ang makakatambal niya sa bago niyang Kapuso primetime series na “Black Rider.”
Sa naganap na presscon ng “Video City” nitong nagdaang Martes, September 5, sa Vica Café, tila nahiya pa si Yassi sa sobrang papuri sa kanya ni Ruru. As in talagang napa-wow pa siya nang ilarawan na siya ng aktor bilang on screen partner.
Actually, nagkasama na noon sina Ruru at Yassi sa Kapuso drama series na “Dormitoryo” na unang umere noong September 22, 2013.
Kaya naman parehong na-excite ang dalawa nang muling magkasama sa “Video City” na isang “time travel” movie mula sa Viva Films at GMA Pictures at showing na sa mga sinehan nationwide simula sa September 20.
Chika ni Ruru sa muling pagsasama nila ni Yassi sa isang project after 10 years, “Working with Yassi, I didn’t expect na ganito po yung magiging samahan namin, yung friendship namin.
“I worked with her 10 years ago sa GMA 7, yung Dormitoryo. And then, matagal kaming hindi nagkita, pero lagi ko pa rin siyang napapanood sa mga pelikulang ginagawa niya.
“And I’m very, very proud sa kanyang achievements in life. And finally, nagka-work kami, ganoon pa rin. Siya pa rin yung Yassi na nakilala ko dati.
“Siya pa rin yung Yassi na nagbibigay ng liwanag sa lahat. Na para bang kapag nandiyan siya, masaya lahat,” pagbabahagi ni Ruru patungkol kay Yassi.
Dugtong pa niya, “Very talented, very generous hindi lang sa pagkain na ibinibigay niya sa set kundi sa emosyon na ibinibigay niya sa bawat eksena na ginagawa namin. I’m very lucky na finally nakatrabaho ko ulit si Yassi,” sey pa ni Ruru about her leading lady.
Ayon pa sa Kapuso actor, hindi nagkulang ang direktor nilang si Rayn Brizuela sa paggabay sa kanila ni Yassi habang ginagawa ang “Video City.”
“Malaking factor ang direksiyon ni Direk Rayn dahil hindi siya yung tipo ng ‘dapat magpakilig.’ Yung tiwala niya sa amin at kaming mga aktor, du’n kami mas nagkakaroon ng confidence sa sarili dahil ibinibigay niya yung tiwala sa amin.
“Hindi kami hard sell, like, puso kami kung magtrabaho. Hindi yung tipong pinaplano namin kung ano yung dapat naming gawin.
“Mas more on puso. Mas du’n kami sa tiwala namin sa isa’t isa dahil sa first time pa lang na ginawa namin yung look test, tinginan pa lang, naramdaman agad namin yung koneksiyon.
“Naramdaman namin agad na, ‘Okay, magtutulungan tayo’ sa buong direksiyon ng pag-shoot namin,” aniya pa.
Patuloy pa ni Ruru, “I don’t know, for some reason, nararamdaman namin yung tiwala, yung koneksiyon sa bawat eksenang ginagawa namin.
“Parang never siyang nawala. I guess, yung chemistry, du’n siya nabubuo. Mas ibinibigay namin yung dapat ibigay sa bawat eksena,” sabi pa ng aktor.