Kapatid ni James Reid na si Lauren engaged na sa non-showbiz BF

Kapatid ni James Reid na si Lauren engaged na sa non-showbiz BF

PHOTO: Instagram/@laurenredabook

IKAKASAL na ang actress-model at half-sister ni James Reid na si Lauren!

Nag-propose na kasi sa kanya kamakailan lang ang kanyang high school sweetheart at non-showbiz partner na si Harry Marquis.

Ang masayang balita na ‘yan ay ibinandera mismo ni Lauren sa kanyang social media accounts.

Sa Instagram, makikita ang ilang litrato nilang mag-dyowa, pati na rin ang picture habang suot-suot ni Lauren ang engagement ring.

Kalakip din niyan ang caption na, “When you know, you know [ring emoji].”

Baka Bet Mo: Liza welcome pa rin sa ABS-CBN sa kabila ng mga pasabog na rebelasyon; Lauren Dyogi may inamin tungkol sa GMA 7

Maraming celebrities naman ang nagpaabot ng pagbati sa dalawa, kabilang na riyan sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, Kiana Valenciano, Leila Alcasid, at ang girlfriend ni James na si Issa Pressman.

“LAUREN!!!!!! WHATTTTT [crying emojis] so happy for you! Love youuuu! [holding back tears, white heart emojis],” pagkagulat ni Kiana.

Komento ni Maja, “Aawwwww Congratulations [white heart emojis]”

Sey rin ni Leila, “Omgggg congratulations [red heart emojis].”

“LOVE THE LOVEEE HEHEHEE,” saad naman ni Issa.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, si Lauren ay isang model, host at aktres sa ilalim ng Crown Artist Management, ang talent agency nina Maja at Rambo.

Kung matatandaan, naging usap-usapan noong 2016 si Lauren matapos masangkot sa kontrobersyal na paghihiwalay nina Gab Valenciano at dating asawa nito na si Tricia Centenera.

Pero ito ay agad na itinanggi ng actress-model at sinabing hindi niya ganun kakilala si Gab at dalawang beses lang sila nagkita dahil sa kapatid nito na si Kiana.

Bukod kay Gab, na-link din siya sa aktor na si JC Santos, pero dineny ni Lauren na niligawan siya nito.

Related Chika:

Read more...