Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’

Pura Luka Vega humarap na sa korte, giit pa niya: ‘Drag is NOT a crime…This is hate!’

PHOTO: Instagram/@puralukavega

MUKHANG nagsimula na ang pagdinig sa mga kaso na kinakaharap ngayon ng controversial drag performer na si Pura Luka Vega.

Sa latest Instagram post, makikita sa litrato na nagtungo na siya sa Quezon City Hall of Justice nitong September 8.

“Let me state and reiterate that Drag is NOT a crime,” muli niyang panawagan.

Sey pa niya sa post, “This experience has highlighted hypocrisy and is an education on hate. This is hate.”

“We are facing these charges in the hopes of upholding the freedom of expression for ALL,” Dagdag pa niya.

Aniya, “The law should not be used to persecute minorities for our unique cultural practices.”

Magugunitang dahil sa ginawang pambabastos ng drag queen sa sagradong awitin ng mga Katoliko na “Ama Namin,” sinampahan siya ng patung-patong na reklamo ng religious groups na “Hijos del Nazareno – Central” at “Philippines for Jesus Movement.”

Baka Bet Mo: Kim Atienza kay Pura Luka Vega: I sincerely hope you develop the empathy

Ayon sa mga grupo, nilabag ni Pura Luka ang Article 201 Section 2 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa “indecent shows, publications or exhibitions,” gayundin ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.

Bago pa matapos ang kanyang caption, binati pa ni Pura Luka ang kaarawan ni Mama Mary at sinabi pa na plano niyang uminom pagkatapos ng kanyang court hearing.

“Happy birthday Mama Mary! [red heart emoji] Might have some drinks later. Yun lang [emojis],” wika niya sa IG.

Sa pamamagitan naman ng Instagram Stories, ibinunyag ng drag queen na wala pa siyang legal counsel sa ngayon at pinasalamatan ang mga abogado na nag-alok ng tulong sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa mga lawyers na tumutulong sa akin pansamantala,” lahad niya.

Kwento niya, “They have helped me with the kindness of their hearts. Wala pa rin naman akong legal firm/counsel, but grateful na ako sa kung anong suporta ang natatanggap ko.”

Bukod sa mga reklamo laban sa kanya, idineklara siyang “persona non grata” o unwelcome person sa maraming lugar sa bansa.

Ilan sa mga hindi na niya pwedeng puntahan ay ang Maynila, Cebu City, Floridablanca sa Pampanga, General Santos City, Toboso sa Negros Occidental, Bukidnon, Dinagat Islands, Nueva Ecija, Laguna, Occidental Mindoro, Coron sa Palawan, South Cotabato, Lucena City at Bohol.

Noong nakaraan lamang ay nanawagan ng tulong pinansyal sa publiko si Pura Luka para sa pagharap niya sa korte.

Ang makakalap daw na pera ay gagamitin para sa food at transportation expenses, pati na rin ng kanyang pamilya.

Related Chika:

Read more...