Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign

Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa 'It's Showtime', pinagre-resign si Lala Sotto

Lala Sotto, Vice Ganda at Ion Perez

UMALMA ang netizens sa naging desisyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) na patawan ng12-day suspension ang “It’s Showtime“.

Halos iisa ang nabasa naming komento mula ng netizens na sobrang OA ang desisyon ng nasabing ahensya ng gobyerno na pinamumunuan ni Chairperson Lala Sotto-Antonio.  Nanawagan pa ang ilan na magbitiw na siya sa puwesto.

Nanguna sa nagkomento ang social media influencer na si Rendon Labador na unang nag-react din noong kainitan ng isyu kina Vice Ganda at Ion Perez sa pagkain ng icing sa harap ng mga bata. Isang face with sunglasses emoji ang post nito sa Facebook page ng BANDERA.


Sinagot naman siya ng netizen na si @Jolai Morial, “Rendon Labador at least sila may mga tiktok acct at Hindi permanently banned.”

Sa pananaw ng netizen na si @Melody Mendoza ay dapat okay na ang public apology, “It’s an overkill. A public apology po is enough. A statement po by the host and the management. They are careful naman po even with the punchlines of the contestants. l feel sad po. Especially with the little people behind the cameras.”

Hirit naman ni @ Mylene P. Mier, “Ayoko na kumain ng icing masama pala.”

Sagot ni @Ido Villaluz, “Anong masama sa pagkain ng icing? Wala nmang reaction na malaswa or lust sa knilang mukha habang kumakain base sa litrato nina Vice at ng partner nya.”

Baka Bet Mo: Market vendor umalma sa ‘no vaccine, no ride’ policy ng gobyerno

Say ni @Jeffrockz Angeles, “Grabe naman …. Kahit ako d ko gusto ung act nila pero sana.. d naman 12 days kaht 1day lng.”

Nasilip din ang pagmumura ni Wally Bayola sa “E.A.T.” ni @Joey Viacrucis, “MTRCB went beyond line with the suspension. Si Wally nagmura on cam, dpat may suspension din. Ovuuuummm!!”

Sagot naman ni @Kusina Vlog, “Joey Viacrucis hahahah andun papa (ex senator Tito Sotto) n’ya ano ka ba kuya…family matters po e.”

Pananaw ni @Clifford Cabrera kaya nasuspinde,  “Ang dami na palang warning sa kanila eh.”


Pananaw ni @John Lionhal, “BAGONG PILIPINAS …ITO ANG HUSTISYA NG IPAPATAW SA MGA KALABAN.”

Sa tingin ni @Melanie Royo, “Malaki Ng luge yon ang 12 days.”

May pa-hashtag si @SapatNaLangIkaw, “#LALA SOTTO RESIGN #ABOLISH MTRCB.”

Ang pansin ni @Lonia Mamangun Mempin, “Halatang halata nman MTRCB ano ba yan.”

Reaksyon ni @Zerah Mae Borden Herrera, “Ang OA niyo MTRCB.”

Pabor si @Paulo Tolentino, “Deserve hahaha pasalamat ganun lang ndi forever.”

Sabi ni @Indon Valenciano, “2 days lang pwede na, magugutom pamilya nila.”

Totoo naman talaga na sa 12 days ay magugutom ang pamilya ng production staff and crew kumpara sa mga hosts na kahit paano ay malaki ang mga kita.

Base sa official statement ng ABS-CBN, aapela sila sa MTRCB at nanindigan na walang nilabag na batas ang programa.

Jackie Forster umalma sa post ng media website na ‘pasaway’ si Kobe Paras

Anthony Taberna umalma sa akusasyong ‘biased’ daw si Jessica: ‘Yung titirahin ‘yung host mali ‘yun

Read more...