Veteran actor na mabagal nang lumakad, kering-keri pa ring makipag-one-night stand sa mga natitipuhang celebrity

HINDI kami makapaniwala sa kuwento sa amin na sa edad ng beteranong aktor ngayon na mabagal nang maglakad ay nakukuha pang makipag one-night stand.

Sa hindi inaasahang pangyayari ay nakatanggap ng text message ang isang aktres mula sa beteranong aktor at papunta na raw siya sa tagpuan nilang unit. Sa madaling salita hindi lang ito isang beses nangyari.

Kuwento ng aming source, “Kaloka ‘tong si ____ (beteranong aktor), buti na lang at si ___ (aktres) ang napadalhan nu’ng message niya dahil good friends sila para do’n sa character actress na chino-chorva niya. Pag iba nakatanggap, lagot!”

Magkaibigan daw talaga ang beteranong aktor at ang aktres na napadalhan ng mensahe kaya okay lang.

Baka Bet Mo: GMA nagluluksa sa pagpanaw ni Mike Enriquez, Mel Tiangco napaiyak: ‘His dedication to the industry will serve as an inspiration to all’

Tinanong nga namin ang aming source kung hanggang magkaibigan lang ba talaga sina beteranong aktor at aktres.

“Ay oo naman, dehins sila talo kasi matino naman si ____ (aktres),” mabilis na sagot ng aming kausap.

Going back sa character actress ay hindi namin siya kilala kahit na ipinakita pa ang larawan nito sa amin.

Sabi ng aming source, “Alam mo naman ang mga nagkakaedad, feeling nila malakas at kayang-kaya pa rin nilang makipaganuhan.”

Related Chika:

Karen Davila aminadong hindi naging kaibigan noon si Korina: We didn’t have the opportunity…

Read more...