Kuwento ng award-winning singer-songwriter, si Lea raw ang dapat na ka-duet niya sa naturang iconic Christmas song at hindi ang kanyang anak na si Liza Chan.
Sa guesting ni JMC sa “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, binalikan niya kung paano nabuo ang “Christmas In Our Hearts” at kung bakit ang kanyang anak ang nakipag-duet sa kanya.
“At that time, Lea Salonga was a hit because of ‘Miss Saigon.’ So I approached her and asked her if she would do a duet with me. And sabi niya, ‘Yes, I’d be glad to!’” pag-alala ni Jose Mari.
Gustung-gusto raw talaga ni Lea ang melody at ang lyrics ng song, pero sa kasamaang-palad hindi natuloy ang una sana nilang collaboration ng internationally-acclaimed singer-actress.
Sabi ni JMC, hindi raw kasi pinayagan si Lea ng kanyang recording company na mag-record para sa kakumpitensiyang record label.
Kasunod nito, kinausap din ni Jose Mari si Monique Wilson, na naging understudy sa “Miss Saigon”, “Unfortunately, that weekend, she went to Tagaytay…and she lost her voice. So, hindi rin siya pumuwede.
“I guess the Holy Spirit was leading me towards my daughter. And so, I went to my daughter’s bedroom,” patuloy na kuwento ni Jose Mari Chan. Dito, ikinuwento niya kay Liza ang tungkol sa nasabing kanta.
“Can you learn this song quickly? ‘Cause I’d like to record this with you,” aniya sa anak na pumayag naman hanggang sa nabuo na nga ang kanilang duet para sa “Christmas In Our Hearts.”
Pagbabahagi pa ni Jose Mari Chan, hindi talaga para sa Pasko ang original na tunog ng “Christmas in Our Hearts.” Bago ito, gumawa raw muna siya ng himig para sa tula na isinulat ni Charie Cruz na pinamagatang “Ang Tubig ay Buhay.”
At taong 1990, kinausap niya ang kanyang producer na gumawa ng Christmas album at dito nga niya naalala ang himig ng “Ang Tubig ay Buhay.”
Nag-collab sila ng songwriter na si Rina Cañiza at isinulat ang lyrics ng “Christmas in Our Hearts” na naging instant hit naman at naging icon pa ng Paskong Pinoy.
Pero knows n’yo ba na ayaw daw niyang ituring siya bilang King of Pinoy Christmas dahil isa lang daw ang tunay hari tuwing Pasko.
“There’s only one king of Christmas and that’s our Lord Jesus Christ, the baby Jesus,” ani JMC.