Lovi ibinandera ang pagmamahal at paghanga kay Grace Poe sa mismong kaarawan nito: ‘She has always been someone worth emulating’

Lovi ibinandera ang pagmamahal at paghanga kay Grace Poe sa mismong kaarawan nito: 'She has always been someone worth emulating'

Grace Poe at Lovi Poe

KUNG hindi pa ikinasal ang aktres na si Lovi Poe ay hindi malalaman ng publiko kung gaano sila ka-close ni Senadora Grace Poe-Llamanzares at kung gaano nila kamahal ang isa’t isa.

Hindi naman kasi sila vocal tungkol dito at kahit noong buhay pa ang nag-iisang Da King na si Fernando Poe, Jr. ay hindi naman nababanggit madalas ang pangalan ni Lovi, basta alam lang ay anak siya ng Hari ng Aksyon.

Mas madalas kasing nababanggit ang pangalan ni Sen. Grace bilang legal na anak nina FPJ at nang namayapang si Ginang Susan Roces na noo’y private citizen palang at sabi nga nito, nakilala at nakita niya nang personal si Lovi sa mismong burol ng ama na umiiyak palapit sa coffin.

Nasambit ito ng senadora sa kasal ng kapatid nang hingan siya ng mensahe bilang isa sa bridesmaid kung ano ang pagkakakilala niya kay Lovi.

Pagkatapos ng senaryong iyon ay wala nang narinig tungkol sa magkapatid lalo’t kapag tinatanong si Lovi tungkol sa relasyon nila ay pawang smile lang ang sagot niya o kaya ay, “we’re okay” at iniiba na ang topic.

Anyway, nagkaroon na kami ng ideya na malapit nga sa isa’t isa sina Sen. Grace at Lovi nang ibalita ni Nanay Cristy Fermin sa programa nila ni Romel Chika na “Cristy Ferminute” sa Radyo 5 92.3 TRUE FM na dadalo ito sa kasal ng kapatid at binanggit din na mahal ng senadora ang aktres.

Baka Bet Mo: Pambansang Kolokoy umamin na sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Marites: ‘Kapag ayaw niya sa isang tao dapat ayaw mo na rin’

Oo nga, tanging sina Sen. Grace at Ronian Poe ang mga kapatid ni Lovi na dumalo sa kasal niya kay Monty Blencowe.


Anyway, malaman ang mensahe ni Lovi para sa Ate Grace niya na ipinost niya sa kanyang Instagram stories ngayong araw para batiin ito sa kanyang ika-55 kaarawan.

Ang napaka-fresh na larawan ni Sen. Grace ang ipinost ni Lovi habang naglalakad bilang isa sa bridesmaid at ang caption ay, “She has always been someone worth emulating. She’s not named Grace for nothing, and I can’t believe that, that someone is my sister (red heart emoji).”

Isa pang larawan ang ibinahagi ni Lovi na magkayakap silang magkapatid, “Today I celebrate the day you were born. I could only wish to even be half as loving and as graceful as you are. Always love you (red heart emoji).”

Kung hindi kami nagkakamali ay ngayon lang isinapubliko ni Lovi ang pagbati niya ng kaarawan sa kanyang ate Grace.

Maligayang kaarawan Sen. Grace Poe!

Cardiopulmonary arrest ang ikinamatay ni Susan Roces, sey ni Grace Poe: At sa tingin ko talagang nangulila na siya sa tatay ko…

Susan Roces may mga paramdam na bago pumanaw; Grace Poe merong ‘pagsisisi’ sa pagkawala ng ina

Read more...