NAKIRAMAY at dinamayan din ni Pangulong Bongbong Marcos ang nagluluksang naiwang pamilya ng veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez.
Sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account ay nagpaabot ito ng mensahe.
Ayon kay Pangulong Bongbong, nalulungkot siya sa pagpanaw ng batikang news anchor.
Isa, aniya, si Mike sa mga haligi ng broadcasting industry na inialay ang buhay sa paghahatid ng walang pinapanigan na balita.
“We are saddened by news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry,” tweet niya.
Sey pa ng presidente, “He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people.”
“Our heartfelt thoughts are with his family and loved ones during this time,” aniya.
We are saddened by news of the passing of veteran anchor Mike Enriquez, a pillar in our broadcasting industry. He dedicated his life to delivering unbiased news to the Filipino people. Our heartfelt thoughts are with his family and loved ones during this time.
— Bongbong Marcos (@bongbongmarcos) August 29, 2023
Naglabas din ng pahayag ang Presidential Communications Office na ibinandera naman sa isang Facebook post.
Ayon kay PCO secretary na si Cheloy Velicaria-Garafil, “Si Mike ay isa sa mga mamamahayag na ating itinuturing na kasangga sa paghahatid ng tapat at walang kinikilingang balita.”
“Tunay na ang kanyang kontribusyon sa larangan ng pagbabalita ay hindi matatawaran,” sambit pa niya.
Noong August 29 nang sumakabilang-buhay ang batikan at premyadong broadcaster at news anchor ng GMA 7 sa edad 71.
Kinumpirma ang malungkot na balita sa ulat ng evening news program na “24 Oras.”
Walang binanggit kung ano ang naging sanhi, pero namatay si Mike habang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang private hospital.
Si Mike ang nagpasikat sa mga katagang, “Excuse me po!”, “Hindi ko kayo tatantanan!”, at “Naloko na!” na kairaniwan niyang nababanggit kapag siya’y nagbabalita.
Related Chika:
Jaclyn Jose sa pagpanaw ni Cherie Gil: Malaking kawalan talaga sa industriya ang pagkawala niya