Yasmien Kurdi, Mike Enriquez at Paolo Contis
NAG-ALAY ng panalangin at sandaling katahimikan ang mga host ng “Eat Bulaga” sa GMA sa pagpanaw ng veteran broadcast journalist na si Mike Enriquez.
Namatay si Mike habang naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng isang private ospital nitong nagdaang August 29. Siya ay 71 years old.
Bago matapos ang “Eat Bulaga” kahapon, nakiramay ang buong production sa mga naulila ni Mike kasabay ng pag-aalay ng dasal para sa katahimikan ng kanyang kaluluwa.
“Maraming salamat sa buong pusong dedikasyon mo sa mahigit 50 years para makapaghatid ng balita at impormasyon. Maraming salamat po,” ang mensahe ng isa sa mga host ng show na si Paolo Contis.
Ayon naman kay dating Mayor Isko Moreno, “Kami po dito sa G sa Gedli, kasama ko po si Cedie (Buboy Villar), ay taos-pusong nakikiramay. Maraming-maraming salamat, Mike Enriquez, sa lahat ng paglilingkod mo sa ating kapwa, sa broadcasting.”
Ilan pang celebrities ang nagpahatid ng pakikiramay sa pamilya ng award-winning radio and TV news anchor. Isa na nga riyan ang Ultimate Singer-songwriter na si Ogie Alcasid.
Baka Bet Mo: Boy Abunda nakipag-usap kay Mike Enriquez matapos pumirma ng kontrata sa GMA; nanawagan kina Heart at Marian
Post ng asawa ni Regine Velasquez sa kanyang Instagram page, “Oh my. Bro Mike, you were an amazing human being and so helpful in countless ways.
“During the beginning of my career when you were a DJ in KC and as the manager of the station who made sure that OPM will be in the airwaves.
“Until you became the star of the GMA news broadcast, you never ceased to ask if you could help in anyway.
“You always had that relentless ‘Man For Others’ spirit that we took to heart from our days in La Salle.
“Go rest now my brother and my profuse thanks for all you have done for us. My condolences to your loved ones. (praying hands, heart emojis) animo. #ripmike,” ani Ogie.
Makabagbag-damdamin naman ang ginawang pag-alala ng aktres at host na si Marissa Sanchez sa kabaitan ni Mike.
Lahad ni Marissa, “Di ko po kyo makakalimutan Sir Mike Enriquez. Nung nwalan kmi ng tubig nuon sa Sampaloc, it was thru kuya @michaeleagleriggs na tinulungan nyo kmi upang magkatubig!
“We were desperate at kung di dahil sanyo, wala kming tubig. Nalulungkot lng ako na d nyo natatanggap ang mga gfts ko sanyo ni kuya Eagle twing Christmas before pa nung Pandemic.
“I was consistently sending you christmas tokens yearly. Hindi lng nmn sanyo sabagay, kundi sa nakararami. Madalas hindi nmn ako na-acknowledge kung natatanggap ang mga nireregaluhan ko nung araw. Pero ok lng, past is past.
“Pero isa po kyo sa hindi mahagilap lagi nuon. Mahirap man kyo makontak nuon you were always in my thots and in my heart, hanggang sa nagbago na lht ang ihip ng hangin nung nagka Pandemya!” pagbabahagi ng aktres.
Patuloy pa niya, “At nakontak ko na lng kyo ulit thru Tita Emmie Domingo. Then nabalitaan na lng nmin na nagkasakit kayo at ayaw nyo ng magpadalaw. Until nabasa ko na lng today sa socmed that you passed on! I wanna extend my deepest condolences to the bereaved family!”
Inamin naman ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi na napaiyak talaga siya nang malamang namatay na si Mike, “Paalam Sir Mike… Umiiyak ako dto sa taping kanina pa noong nalaman ko ang balita (crying emoji).
“Kayo ay Isa sa pinaka coolest Boss sa GMA … nakikipag fist bump ka pa sakin sa lobby… Sobrang bait at humble guy… May you Rest In Peace po (crying emoji). Maraming nagmamahal sa inyo,” aniya pa.
Apo ni Marissa Delgado na si Andrea Garcia game sa ‘unli hubaran’: I have no restrictions, ako ang pinakapalaban sa lahat!
Ice Seguerra hugot na hugot nang biglang magising: ‘It’s been a while since I felt so at peace…’