David umaming pinag-uusapan nila ni Barbie si Jak kapag magkasama sa taping, dedma lang sa mga Marites: ‘Tinatawanan na lang namin’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Barbie Forteza, David Licauco at Jak Roberto
DIRETSAHANG inamin ng Kapuso hunk actor na si David Licauco na pinag-uusapan din nila ng leading lady niyang si Barbie Forteza ang boyfriend nitong si Jak Roberto.
Pinatunayan muli ni David sa publiko na walang isyu o problema sa pagitan nila ni Jak sa gitna ng pang-iintriga ng mga bashers at haters sa kanila nang dahil kay Barbie.
Sa muli niyang pagbisita sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, August 29, ang tinaguriang Pambansang Ginoo, napag-usapan ang relasyon niya kina Barbie at Jak habang patuloy ang pakikialam ng ilang fans.
Muli kasing magtatambal sina David at Barbie sa upcoming Kapuso limited series na “Maging Sino Ka Man” kaya tinanong ni Tito Boy kung kumusta sila ngayon ni Barbie at kung napag-uusapan ba nila si Jak kapag nagkakakuwentuhan sa set.
“Sometimes. Siyempre nababasa namin ‘yung tweets and all that,” mabilis na sagot ni David.
“Pinag-uusapan namin ‘yung like kung paano nila na-receive ‘yung mga nangyayari especially ‘yung anti-silos something.
“Pinag-uusapan lang namin ‘yung kung ano ‘yung reaction ni Jak towards that,” aniya pa.
Sabi ni David, hindi na lang daw pinapansin nina Barbie at Jak ang mga hate comments at mga kanegahang reaksyon ng mga netizens. Aniya pa, nagtatrabaho lang daw sila at hindi kailangang magpersonalan.
“Pero siyempre tinatawanan na lang namin kasi at the end of the day entertainers kami. We’re so happy to entertain people,” pahayag pa ni David.
Bentang-benta naman sa mga fans ang kunwari’y pagsasagutan nina Jak at David dahil kay Barbie.
Inamin ni David Jay Tito Boy na totooong isa siyang selosong boyfriend pagdating sa kanyang mga nagiging dyowa. Tinanong kasi siya kung ano ang reaksyon niya sa anti-selos university ni Jak.
Dito na nga ipinagmalaki ni David na may sarili na rin daw siyang university, “Sa akin ano e, DLSU, David Licauco Seloso University.”
“Gusto ko ‘yon. Palagay ko maraming mag-e-enroll diyan,” ang natawang reaksyon ni Tito Boy sa birong sabi ni David pero alam mong may laman.
Inulit ng binata na seloso talaga siya sa totoong buhay, “Siguro depende rin sa context of the situation, ‘di ba? Siyempre kung lalabas naman talaga ‘yung girlfriend mo with her friends, siyempre kailangan mo intindihin yun. Okay lang ‘yun.”
Feeling niya, wala namang masama sa pagseselos kung nasa katwiran at may pinanggagalingan. Nais lang din daw niyang protektahan ang kanyang girlfriend.
“Pero minsan kasi may mga guys na iba ‘yung pakay, ‘di ba? As a guy alam ko kung sino ‘yung guy na puwede mong pagkatiwalaan at hindi mo puwedeng pagkatiwalaan,” katwiran niya.
“Seloso ako in a way pero I don’t really say it na parang, ‘Uy, nagseselos ako.’ Siyempre hindi rin naman yun maganda.
“Siyempre may sarili rin siyang buhay, may sarili rin akong buhay. Sa sarili ko lang. I’ll just keep it to myself,” paglilinaw pa ni David.