Carlo Aquino binansagang ‘walking red flag’ ng isang netizen, mas malala raw kay Gerald Anderson?

Carlo Aquino binansagang 'walking red flag' ng isang netizen, mas malala raw kay Gerald Anderson?

ISANG post ang kumakalat ngayon sa social media patungkol sa aktor na si Carlo Aquino.

Isang netizen na may Facebook username na Ktn Kenya Teleseryes ang nag-long post ukol sa obserbasyon niya sa aktor.

Bukod sa pagbanggit nito kay Carlo ay ikinumpara pa niya ito sa kapwa aktor na si Gerald Anderson.

“You guys always attack Gerald Anderson for nothing [emoji] atleast Gerald Anderson will date you before he dumps you,” panimula ng netizen.

“Carlo Aquino is the Filipino legit play boy [emoji]. This one will send you flowers, take you on dates, Praise you on social media & lead you on.

“The moment you fall for him. BOOOM! His feelings for you disappear into thin air,” pagpapatuloy nito.

Sinabi rin ng naturang netizen na “emotionally unavailable” raw si Carlo at nakikipag-flirt lang kapag convenient para sa kanya.

Nabanggit pa nito ang mga dating nakarelasyon niya na sina Angelica Panganiban at Trina Candaza na siyang ina ng kanyang anak na si Mithi.

Baka Bet Mo: Carlo Aquino sigurado nang si Charlie Dizon ang ‘the one’; umaming inaatake rin ng anxiety, depresyon


“Carlo Aquino is emotionally unavailable. [H]e flirts with you when it’s convenient for him & leaves you when it’s convenient for him. He did that to Angelica Panganiban & his baby mama Trina Candaza,” sey pa nito.

Sinabi rin niya ang nangyari sa recent interview ng aktor kung saan teary-eyed ito habang ikinukuwento ang ilang detalye ukol sa relasyon nila ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon.

“Right now Carlo Aquino who is turning 38 years old is dating Charlie Dizon 27 years old ..In an interview a teary+ eyed [he] said that his love for Charlie Dizon is unlike his previous relationships.

“[W]ell, well don’t every man say that? I wish them all the best though,” chika nito.

“Carlo Aquino is a walking red flag,” hirit pa niya.

Umani naman ng mahigit 13,000 shares ang post ni Ktn Kenya Teleseryes.

Samantala, wala pa namang pahayag si Carlo hinggil sa pahayag ng netizen.

Bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ng aktor hinggil sa isyu

Related Chika:
Charlie Dizon kinumpirma na ang relasyon kay Carlo Aquino: Opo, boyfriend ko po

Video nina Carlo Aquino at Eisel Serrano na pinalilibutan ng security guards viral na: ‘Kaloka! Ang OA, wala namang nagkakagulong fans!’

Read more...