Markus Paterson walang problema sa co-parenting set-up nila ni Janella Salvador: ‘It’s all about communication and sacrifice’

Markus Paterson walang problema sa co-parenting set-up nila ni Janella Salvador: 'It's all about communication and sacrifice'

Markus Paterson, Janella Salvador at Jude Paterson

WALANG problema sa co-parenting set-up ng dating celebrity couple na sina Janella Salvador at Markus Paterson para sa anak nilang si Jude.

Mismong si Markus na ang nagsabi na napakaayos at napaka-smooth ng samahan nila ngayon ng dating partner bilang mga magulang ng nag-iisa nilang anak.

Naniniwala raw ang singer-actor na kahit hindi na sila nagsasama ni Janella sa iisang bahay ay natututukan pa rin niya ang paglaki ni Jude na dalawang taong gulang na ngayon.


Kuwento ng aktor sa panayam sa kanya ng “Magandang Buhay” kamakailan, wala silang issue o problema ni Janella pagdating sa pagpapalaki at pag-aalaga kay Jude.

“Palagi kaming magkasama. We have a good set-up ni Jea (palayaw ni Janella). Plus walking distance lang naman ‘yung where we live, so it’s easy for me to see him.

“Sobrang easy lang ‘yung set-up namin. We are good, we are happy. Wala naman kaming problema and Jude is the first priority. As long as we both get that smooth sailing lang,” pagbabahagi ni Markus.

Baka Bet Mo: Netizen pinagsabihan sina Andi at Jake bilang magulang ni Ellie: Kaya ayoko nang mag-asawa, eh!

Ang isang inaalala lang daw nila ni Janella ay kapag dumarating yung pagkakataon na nagkasabay ang kanilang trabaho pero ani Markus, nagagawan naman daw nila ito ng paraan.

“It’s all about communication and sacrifice,” aniya pa.


Matatandaang noong October, 2020 nang ipanganak ni Janella si Jude sa United Kingdom kung saan naninirahan  ang pamilya ni Markus. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay doon namalagi ang dating mag-partner kasama ang kanilang anak.

Sa isang panayam, sinabi ni Markus na “perfect” ang naging pagsasama nila ni Janella noon sa UK ngunit nang bumalik na sa dito sa Pilipinas ay doon na nga nagsimula ang kanilang mga problema.

“It simply wasn’t perfect, actually perfect nu’ng nasa UK pa kami, pero nu’ng bumalik na kami dito sa Pilipinas parang COVID nu’ng time na ‘yun ay delikado pero kailangan na naming mag-work.

“A lot of realities set in na kailangan pala namin ng yaya and maraming problem, it came to a point na we’re not talking anymore, so, we decided to take a break and see what happens (next),” saad ng aktor. Hanggang sa tuluyan na nga silang magdesisyon na tapusin na ang kanilang pagsasama.

Anak nina Max at Pancho knows na ang set-up ng kanilang pamilya: ‘Habang lumalaki siya, never niya kami nakitang magkasama’

Jillian Ward gustong pasukin ang medical field pero first choice ang kursong Law; 2 babae pinagsabay noon ni Rainier Castillo

Read more...