Pura Luka Vega pinagmumura ng netizens matapos manghingi ng pera sa publiko: ‘Mas matutuwa ang Pilipinas kung makikita kang nasa kulungan’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Pura Luka Vega
NAKATIKIM ng mas masasakit at maaanghang na salita ang drag queen na si Pura Luka Vega matapos manghingi ng tulong pinansiyal sa publiko kamakailan.
Gagamitin daw niya ang pera para maipagtanggol ang sarili sa patung-patong na kasong kinakaharap dahil sa umano’y pambabastos sa Simbahan at sa panggagaya kay Hesukristo.
Bukod sa mga demanda, sunod-sunod dim ang pagdedeklara sa kanya ng “persona non grata” sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.
Sa pamamagitan ng kanyang podcast Instagram account na @officiallylukluka, nanawagan si Pura Luka ng tulong para sa pagharap niya sa korte, “WE’RE GOING TO COURT And we need your help more than ever.”
“Swipe left to see the GCash QR code — your donations will go to Luka’s family and transpo/food for their court dates this September.
“Please add in the notes FOR LUKA when sending your support (folded hands emoji). Airfunding donations are currently postponed and we’re asking you to spread this word,” pakiusap pa ng drag queen.
Hindi naman ito nagustuhan ng mga netizens at talagang pinagmumura siya. Ang tapang-tapang daw niya kung makapagsalita pagkatapos ay manlilimos siya ng tulong sa ibang tao. Narito ang ilang comments ng BANDERA readers sa nasabing isyu.
“Pag pa PUBLIC APOLOGY SAPAT NA TAPOS PROBLEMA MO PURA LUKALUKA, hindi nmn mahirap magpatawad ang mga katoliko bastat taos sa puso mo paghingi ng tawad,
Maghingi ka sa community mo..bka maniwala sila syo.”
“Humingi ka doon sa mga taong tumawa at enjoy sa performance mo.”
“Wow… LUKA LUKA nga talaga.”
“MGA KAPATID, PATAWARIN NATIN SI LUKA, SAPAGKAT DI NYA NALALAMAN ANG KANYANG GINAGAWA.”
“Yan ang gospel today: ang nagmamataas ibinababa, ang nagpapakumbababa itinataas. Love and humbleness.”
“Pls Wala sana tumulong, Hirap ng Buhay ngayon. Khit Piso ay napakahalaga
Bibigyan nio ba Ang taong ganyan.”
“Mas matutuwa Ang PILIPINAS kung makikita Kang nasa loob na Ng kulongan.”
“Utot mo manghingi ka sa mga supporter mga tungak katulad mo.”
“Kanino ba kasalanan? maganda ba ang ginawa niya? for sure bubuhos ang tulong kung makabuluhan ang ginawa niya.. its not worth it. Para na ring kinunsinti natin ang maling ginawa niya…hindi nakakatuwa.”
“May pambili k ng make up wala ka pambili food wat d hill.”
“Sabi nya wala syang pakialam, yon pala sa donation nya Kukunin pang gastos nya.”
“HAHAHA .. PAKEALAM KO SA KASO MO?? HAHA DAGDAGAN MO PAA HAHAHAHA!”
“Didn’t anyone in his family ever tell him how wrong it was to trample upon the image & prayer we catholics so revere?”
“Do they all agree with him???”
Matatandaang naging national issue ang video ni Pura Luka kung saan makikita siyang nakabihis bilang si Jesus Christ habang kumakanta at sumasayaw gamit ang remix version ng “Ama Namin.”
Ibinandera niya ‘yan mismo sa kanyang Twitter account at may caption pa na, “Thank you for coming to church!”
Agad naman itong nag-viral at umabot na nga rin mula sa ibang mga pulitiko at miyembro ng religious groups.
Ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP), maituturing itong “mockery” at “blasphemous.”
Pagkatapos nito ay sunod-sunod na rin siyang idineklarang “persona non grata” o unwelcome person sa maraming lugar sa Pilipinas.
Ilan sa mga hindi na niya pwedeng puntahan ay ang Maynila, Cebu City, Floridablanca sa Pampanga, General Santos City, Toboso sa Negros Occidental, Bukidnon, Dinagat Islands, Nueva Ecija, Laguna, Occidental Mindoro, Coron sa Palawan, at South Cotabato.
Bukod diyan, sinampahan din siya ng patung-patong na reklamo ng religious groups na “Hijos del Nazareno – Central” at “Philippines for Jesus Movement.”
Ayon sa mga grupo, nilabag ni Pura Luka ang Article 201 Section 2 ng Revised Penal Code na may kaugnayan sa “indecent shows, publications or exhibitions,” gayundin ang Section 6 ng Cybercrime Prevention Act.