Diego Loyzaga muling ibinandera ang baby girl sa madla: Somebody liked the beach

Diego Loyzaga muling ibinandera ang baby girl sa madla: Somebody liked the beach
IBINANDERA ng aktor na si Diego Loyzaga ang larawan nila ng kanyang baby girl habang karga karga niya ito sa beach.

Matapos ang ilang linggong hindi pagpo-post ng aktor ay ginulat niya ang madla sa pagbabahagi ng kanilang moment ng anak together nitong Huwebes, August 24.

“Somebody liked the beach,” saad ni Diego sa caption ng kanilang larawan kung saan makikitang yakap niya ang anak habang buhat ito.

Isa naman ang ina ng aktor na si Teresa Loyzaga sa mga nag-react at nag-comment sa larawan ng mag-ama.

“Pochola! My heart is full,” sey ng ina ni Diego.

Maging ang kanyang kapatid sa amang si Cesar Montano na si Sam Cruz at ina nitong si Sunshine Cruz ay nag-comment sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Diego Loyzaga kumpirmadong tatay na: Best birthday gift ever

Matatandaang noong June nang unang ibandera ng aktor sa publiko na isa na siyang ganap na ama matapos nitong ipost sa kanyang social media accounts ang larawan niya habang karga ang anak.

“The best birthday gift ever,” caption niya sa kanyang post.

Kasalukuyang nananatili sa Australia ang anak ni Diego at hindi ito kasama nang umuwi noon ang aktor sa Pilipinas para mag-shoot ng pelikula.

Sa naging panayam kay Cesar, sinabi niyang proud na proud siya sa bagong journey ng anak bilang ama tulad niya.

“I trust Diego a lot that he will be a better and responsible father. Siya pa lang excited na kinukuwento niya sa akin,” sey ni Cesar.

Ini-reveal rin nito na ang pangalan ng kanyang apo ay “Hailey”.

Related Chika:
Cristy Fermin sinabing non-showbiz girl ang ina ng anak ni Diego Loyzaga

Diego Loyzaga binalaan ni Cristy Fermin matapos umurong sa 2 interview: ‘Bakit ka natakot, bakit ka naduwag?’

Read more...