LJ Reyes ibinandera na ang prenup video, netizens kilig na kilig: ‘Iba talaga kapag right person ang kasama!’

LJ Reyes ibinandera na ang prenup video, netizens kilig na kilig: ‘Iba talaga kapag right person ang kasama!’

PHOTO: Instagram/@lj_reyes

KILIG to the max ang maraming netizens matapos ibandera ng aktres na si LJ Reyes ang pre-nuptial video nila ng non-showbiz fiancé na si Philip Evangelista.

Bukod sa sweet moments, kitang-kita sa video ang kakaibang saya at chemistry ng soon-to-be husband and wife.

“I got you,” panimula na sabi ni Philip sa video.

Dugtong na paliwanag ni LJ, “Is the simplest words to say ‘I love you’, the more casual way to say ‘I’m here to stay’, the most comforting words that I’ve ever heard.” 

“[It’s] not because I needed saving, not because I needed an escape, but it’s because a person chooses to stay every single day,” matamis na sambit pa ng aktres sa kanyang voiceover.

Sey pa ni Philip, “I choose the every day over good days with all the what-ifs and the what-could-bes, and with all the chaos and the calmness.”

“With anything and everything that life could bring, I got you,” ani pa niya.

Sagot naman ni Lj sa kanya, “And that is all I ever need.”

Baka Bet Mo: LJ Reyes super ganda, fresh na fresh sa pre-wedding photos, Paolo basag na naman sa fans: ‘Kaya ka pala niloko at nasaktan…darating si Philip Evangelista!’

Dahil sa prenup video, lalong nasabik ang maraming fans sa nalalapit na kasal nina LJ at Philip.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“This is so inspiring! When the Lord’s NO is the best YES!”

“After the twists and turns of your story finally God reveals His story for you. Really an inspiration. One day someone from God’s end will say to me, ‘I Got You!’”

“Nakakaiyak. Sa sobrang daming pinagdaanan ni LJ sa daddy ng mga anak niya, grabe. Kulang ang salitang DESERVE! [red heart emoji]”

“Nakakakilig super romantic! Iba talaga kapag right person ang kasama. So happy for you!”

Magugunita noong Mayo lang nang mag-propose kay LJ ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Tatlong taon nang naninirahan ang aktres sa Amerika kasama ang mga anak na sina Aki at Summer.

Iniwan niya ang Pilipinas noong 2021 matapos ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ni Paolo.

Related Chika:

Anak ni Rica nagpositibo sa COVID-19 kasabay ng pagse-celebrate ng 8th birthday

Read more...