Lovi binigyan ng pa-party ng mga kaibigan sa London bago ikasal; Janine pinaka-favorite na role ang ginampanan sa 'Dirty Linen' | Bandera

Lovi binigyan ng pa-party ng mga kaibigan sa London bago ikasal; Janine pinaka-favorite na role ang ginampanan sa ‘Dirty Linen’

Reggee Bonoan - August 24, 2023 - 07:30 AM

Lovi binigyan ng pa-party ng mga kaibigan sa London bago ikasal; Janine pinaka-favorite na role ang ginampanan sa 'Dirty Linen'

MUKHANG namimili na ng hair design si Lovi Poe para sa nalalapit na kasal nila ni Monty Blencowe base sa ipinost niyang boxes na naglalaman ng iba’t ibang klase ng disensyo ng buhok na isinusuot ng mga taga-Britanya.

Ang caption ng aktres ay, “British things.”

Marami namang nagkomento ng “lovely” sa mga nakita nilang design sa post ni Lovi.

Samantala, mukhang malapit nang bumalik ng Pilipinas ang aktres dahil binigyan siya ng dinner party ng mga kaibigan niya sa UK at ipinost nito ang cake sa Instagram na may nakalagay na “Bride to Be” kagabi, Miyerkoles.

Ang caption ni Lovi, “When my girls had big plans but my work schedule couldn’t permit.

“Not an out of the country bachelorette nor a big night out (hangover is real and I now need at least 2 recovery days LOL) so……a 5pm dinner it is!

“‘Cause I have the right people around me, it doesn’t really matter what we’re doing anyway as long as we’re together. My core since babies and counting…blessed and grateful to have you in my life. Thank you for this.

May mga bumati ng “congratulations” at “happy for you” kay Lovi.

Na-curious naman kami sa komento na, “Hindi na sila friends ni Heart (Evangelista)?”

Sa London ginawa ang pa-dinner party ng mga kaibigan doon ni Lovi samantalang si Heart ay nandito sa Pilipinas kaya obviously wala siya nasabing bansa.

Baka kapag mga friends naman ng aktres dito sa Pilipinas ang magbigay sa kanya ng dinner ay malamang kasama si Heart.

Baka Bet Mo: Lovi Poe ibinuking ni Toni Fowler, ‘pasaway’ daw sa taping ng ‘Batang Quiapo’

Anyway, aliw na aliw kami dahil Mokang talaga ang tawag kay Lovi ng netizens at sabay tag kay Tanggol. I’m sure naaliw din ang fiancé ng aktres kapag nababasa niya ang mga komentong ito dahil effective ang karakter niya sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

* * *

Hindi makapaniwala ang cast ng seryeng “Dirty Linen” sa mainit na pagtanggap ng mga manonood dahil umabot na sa 2.3 billion views sa TikTok na numero unong spot bilang most watched series sa iWantTFC.

Kaya naman abut-abot ang pasasalamat ang pinaabot ng lead stars ng serye na sina Janine Gutierrez at Zanjoe Marudo para sa walang sawang suporta sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang teleserye.

Gabi-gabi rin kasi itong trending sa social media kung saan tinutukan ang mga kapanapanabik na komprontasyon at sagutan ng mga karakter.

“Surreal na naging parte ako ng ganitong klaseng level ng cast. Ito na siguro ‘yung favorite kong role kasi ang dami niyang layers. Sobrang thankful ako na pinagkatiwalaan ako to play Alexa. Sobrang dream come true,” sabi ni Janine noong finale mediacon ng serye.

Nagpasalamat din si Zanjoe sa production team ng serye, pati na rin sa kanyang mga co-actor na nagsimula ng viral “mata-mata acting.”

“Pinapanood ko siya bilang part ng show and bilang audience din na naho-hook sa istorya. Kudos sa musical director na sobrang galing. Tinulungan nila kaming gumaling. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng cast, production, at sa mga direktor ko,” pagbabahagi ni Zanjoe.

Samantala, pupunta sa Amerika sina Janine, Zanjoe, Seth Fedelin, Francine Diaz, John Arcilla, at Tessie Tomas, kasama si Jed Madela, para magpasalamat sa mga manonood na tumangkilik sa “Dirty Linen.”

Abangan sila sa “G! Kapamilya presents Dirty Linen sa America” sa Memorial Auditorium sa Sacramento, California ngayong August 26, at sina Janine, Zanjoe, at Jed sa Arena Theater Houston, Texas ngayong August 27.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa pagtatapos ng “Dirty Linen” ngayong linggo, sunod-sunod na pasabog na rebelasyon ang dapat abangan ng mga manonood. Mabibigyan na ng kasagutan ang mga krimen ng pamilya Fiero at malalaman na rin kung makukuha ni Alexa (Janine) ang matagal na niyang inaasam na hustisya.

Related Chika:
Lovi Poe pak na pak sa masa, keribels din sa pagiging sosyalera; tinawag na ‘icon of the smart, modern, self-assured Filipina’

Janine Gutierrez nasabihan ng ‘hanggang diyan lang ang magagawa mong role dahil sa itsura mo’; John Arcilla humirit ng ‘Dirty Linen’ season 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending