Vice Ganda magsasampa ng kaso, may pakiusap sa contractor ng driver na nakabangga sa kanila

Vice Ganda magsasampa ng kaso, may pakiusap sa contractor ng driver na nakabangga sa kanila
NAGPAPLANO ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na magsampa ng kaso kaugnay sa kinasangkutang car accident noong Linggo ng madaling araw, August 20.

Sa kanyang naging panayam kay MJ Felipe ay nagbigay siya ng karagdagang detalye ukol sa mga nangyari noong mga oras na naganap ang pagkakaararo sa kanyang sasakyan

Ayon kay Vice, papunta sila noon sa Bonifacio Global City (BGC) para kitain ang kaibigang si Vhong Navarro sahil pupinta sila sa birthday party ni Wendell Ramos.

Kalalabas lang daw nila ng subdivision kung saan nakatira ang komedyante at abala siyang maglaro ng mobile game nang biglang makarinig siya nang malakas na kalabog at tila isang bomba ang sumabog.

“‘Yung security [guard] ko, napamura na. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’ Binuksan ko ‘yung bintana, pagbukas ko ng bintana, nakita ko na ‘yung mga sasakyan [na nagkabanggaan],” kuwento ni Vice.

Dagdag pa niya, “Ang nakita ko ‘yung truck nakabunggo siya doon sa Benz tapos ‘yung Benz nakabunggo pa sa ibang kotse tapos sa likod ko pala meron pa.”

Ang naturang truck na nakabangga kay Vice at sa iba pang sasakyan ay bahagi ng isang delivery service app.

Ayon pa raw sa nakakita ay sumalpok ang truck sa gilid ng driver ng luxury vehicle.

Agad namang lumabas si Vice sa kanyang kotse para tignan at tulungan ang sakay ng Mercedez Benz pati na rin ang driver ng delivery truck.

Bagamat sira ang sasakyan ng “It’ Showtime” host ay maayos silang mga nasa loob nito dahil isang Cadillac Escalade ang sasakyan nito na talagang matibay at hindi mararamdaman sa loob kung may nangyari mang aksidente sa labas.

Baka Bet Mo: Vice Ganda naaksidente, sasakyan kasamang inararo ng delivery truck; tinulungan, pinakalma ang iba pang nabiktima ng karambola

Ang tanging naramdaman lang daw ni Vice ay ang tila pg-shake ng sasakyan.

Base sa ulat ay magsasampa ng kaso ang mga may-ari ng sasakyan na nasama sa aksidente kaya naman nananawagan ang komedyante na tulungan ng kumpanya at contractor ang driver at huwag itong iwan sa ere.

“Oo tama kasalanan naman talaga ng driver ‘di ba, pero nakakaawa rin. Paano niya sasagutin ‘yong Cadillac, at Mercedes Benz at may dalawa pa siyang nabangga… paano ‘yon? Kaya pakiusap ko, sana tulungan naman nila yung driver. Tulungan ng contractor niya… tutal malaking kompanya naman ‘yun,” pakiusap ni Vice.

Maging siya ay nagbabalak na magsampa ng kaso ngunit di na nito idinetalye pa ang mga gagawing hakbang.

“Ako rin magsasampa rin, kasi hindi naman puwedeng ganon-ganon lang ‘di ba? Someone is accountable. Kung ‘yong driver man… pero sana bigyan naman ng assistance ng [kompanya] at contractor niya, huwag namang iwanan nang mag-isa ‘yong driver. Kaya nga sabi ko, tutulong lang ba sila o magbibigay lang ba sila ng reaksiyon kung may namatay?” lahad ni Vice.

Samantala, wala pang pahayag ang driver, kompanya at maging ang contractor ng truck ukol sa isyung ito.

Related Chika:
Awra Briguela hindi totoong nagkipag-ayos sa kampo ni Mark Christian Ravana, binitawan na nga rin ba ni Vice Ganda?

Vice hinding-hindi iiwan si Awra pero inaming pinagpahinga muna: ‘Para mahimasmasan, ako rin pahuhupain ko kasi galit ako, mainit din ang ulo ko’

Read more...