Boy Abunda, Pia Cayetano at Alan Peter Cayetano
IPINAKITA sa pinakahuling episode ng “CIA with BA,” sa pangunguna ng magkapatid na Sen. Alan Peter at Sen. Pia Cayetano at award-winning TV host na si Boy Abunda, na pagmamahal sa pamilya pa rin ang pinakamahalaga sa lahat.
Nitong Linggo, Agosto 20, hinarap ng mga Cayetano at ni Abunda ang dalawang magkaibang kaso kung saan sangkot ang magkaibang pamilya.
Una, isang Roel de Dios ang nagreklamo tungkol sa kanyang kapatid na si Victorino para sa karapatan sa lupa ng kanilang ama. Naging malala ang isyu dahil sa palitan ng mga salita at hindi pagkakaunawaan.
“‘Di ba minsan, iniisip natin ‘yung pamilya, indestructible, lalo kung very very close kayo ‘no?
“Pero makikita mo talaga na kung ano ‘yung itatanim mo, ‘yun ang aanihin mo so kahit na napakaganda ng mga tinanim nu’ng pamilyang nakita natin kapag nagsimula ‘yung isang intrigahan, isang problema—lalo kapag naghalo na sa in-laws—pwede talagang lumaki,” saad ni Sen. Alan.
“Pero kung babalikan at babalikan mo ‘yung pagmamahalan niyo, ‘yung essence, magkakaroon talaga ng chance of reconciliation,” dagdag pa niya.
Isa pa sa kanilang hinarap ay ang pagdulog ni Cecilia na kinailangan ng payo tungkol sa kanyang lupa na ipinrenda sa ospital para mailabas ang kanyang anak. Ang halagang kailangan niyang bayaran ay umaabot sa mahigit P200,000.
Baka Bet Mo: ‘Ina laban sa anak’: Mga isyu sa relasyon ng pamilya tutugunan ng ‘CIA with BA’
“‘Yun lang naman din ang sasabihin ko—in both cases that we handled—it’s all about love for family.
“And tayo, what we can do to help families whether it’s from the…‘yung karapatan o balansehin lang ‘yung karapatan sa pagmamahal.
“Minsan kahit ikaw ang nasa tama, ikaw na lang ang magpakumbaba para magkaayos,” saad ni Sen. Pia sa pagtatapos ng programa.
“That’s our goal. Hindi naman ‘yung kung sino ‘yung maghahabla sa korte. Hindi ‘yon ang habol natin,” aniya pa.
Ang “CIA with BA” ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Sen. Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador.
Si Sen. Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang “Compañero y Compañera” noong 1997 hanggang 2001.
Huwag palampasin ang “CIA with BA” tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA 7.
Payo ng ‘CIA with BA’ sa mga tatay na patuloy na nagsasakripisyo para sa pamilya: ‘Laban lang!’
Nanay na ‘inireklamo’ nakatanggap pa ng tulong mula sa ‘CIA with BA’