Vina Morales papayagan ang anak na si Ceana na pasukin din ang showbiz pero…
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Vina Morales at Ceana
IN FAIRNESS, namana ni Ceana ang pagiging singer at performer ng kanyang celebrity mom na si Vina Morales.
Pero ang tanonggggg: ngayong 14 years old na ang kanyang anak, payagan kaya ng Kapamilya actress-singer na pasukin na rin nito ang mundo ng showbiz na naging tahanan niya sa loob ng ilang dekada.
Mismong si Vina ang nagsabi sa guesting niya sa isang episode ng “Fast Talk With Boy Abunda” na magaling ding kumanta ang anak niya kay Cedric Lee.
“Tinatanong siya ng mga tao, ‘Ceana do you want to be in show business?’ ‘Hmmm, maybe’. Yung ganu’n, so may possibility,” pahayag ni Vina.
Sey ng aktres, wala namang problema sa kanya kung magkaroon ng interes si Ceana sa mundong ginagalawan niya, pero kung siya raw ang masusunod nais muna niyang makapagtapos sa pag-aaral ang kanyang anak.
Aniya, hindi raw kasi siya naka-graduate dahil pumasok na siya sa showbiz sa edad na walo, kaya sana’y gusto niyang makapagtapos muna si Ceana bago tuluyang sumabak sa pagkanta at pag-aartista.
“But then kung ang hilig kasi, hindi mo mai-stop. Katulad nu’ng sa akin, hindi ako na-stop ng parents ko.
“They were there to support me so I’ll do the same thing for my daughter,” pahayag pa ni Vina.
* * *
Pagkakaibigan na hindi natuloy sa relasyon at iba’t ibang “what ifs” sa buhay ang ibinahagi ng baguhang singer-songwriter na si Dani Zam sa kanyang bagong awitin na “Beso.”
“I think I wanted to start with a song that anybody, whatever gender, race, age could relate to. The concept of ‘hanggang beso’ is so sawi, so quintessentially Pinoy and familiar, and I want the listeners to have that experience recognized, especially ‘cause it’s so human and simple,” ani Dani.
Lumaki si Dani sa pamilya ng mga musikero kaya naging natural ang pagkahilig niya sa pag-awit. Sina Stevie Wonder, Justin Timberlake, at JoJo ang ilan sa kanyang itinuturing na musical icons.
Noong 2021, inilabas niya ang kanyang self-produced debut EP na “EDEN” tampok ang mga awitin tulad ng “Say It” at “Made of Love.” Sa pamamagitan ng musika, hangad ni Dani na makatulong sa mga tao na ipahayag ang kanilang damdamin.
Ikinuwento rin niya ang kanyang bisyon para sa “Beso” na unang awitin niya sa ilalim ng Tarsier Records.
“The song has a good hook, I think it has definite earworm potential. The kind that gets stuck in your head during a commute or a slow day at work.
“The song that you dance to with your friends at a bar, that you bob your head to on a weekend road trip, or that you use as the background audio on your newest TikTok video,” aniya.
Pakinggan ang himig ni Dani sa “Beso” na available sa iba’t ibang music streaming platforms.