Megan, Mikael ipinasilip ang ipinatatayong studio, ‘next level’ content ibabandera na

Megan, Mikael ipinasilip ang ipinatatayong studio, ‘next level’ content ibabandera na

PHOTO: Instagram/@meganbata

PROUD na ibinandera ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang bagong proyekto na pinagkakaabalahan nila.

Ito ay ang pagpapatayo nila ng sariling studio – ang “Daez Studio.”

Kwento pa ng mag-asawa, anim na buwan na nila itong pinag-isipan at plinano bago gawin.

Caption ni Megan sa isang Instagram post, “We are finally building!! Well, more like renovating hahaha!”

“We’ve been working on this for the past six months from discussing with our architects and engineers and finally doing demolition,” wika pa niya.

Ayon sa beauty queen-actress, nais nilang i-level up ang paggawa nila ng social media content kaya naisipan nilang magkaroon ng studio.

Sey ni Megan, “Fofo and I have loved creating content and we’ve decided to take it to another level by creating a space where we can expand the content we create and push our limits further (huwaw)!!”

“We’re so happy that this is finally happening because we’ve always envisioned having a space like this for our work,” excited na sambit pa niya.

Baka Bet Mo: Megan ayaw pang magka-baby, pero kapag nabuntis ready na ring maging mommy

Sa isa pang IG post, masayang ibinalita ng couple na inuumpisahan na nila ang renovation.

Makikita pa nga sa video na super hands-on ang dalawa dahil sila mismo ang pumili ng mga materyales na gagamitin para sa kanilang studio.

“Our demolition stage is now done and we can start renovation! [white heart emoji],” lahad ni Megan sa IG.

Aniya pa, “We want our studio to be ready as soon as possible but we have to make sure we use only the best para quality at long lasting ang studio namin [happy face with heart eyes emoji].”

Maraming kapwa-celebrities naman ang nagpaabot ng “congratulatory” message sa dalawa at kabilang na riyan sina Saab Magalona, Ryza Cenon, Lauren Young, at Chesca Garcia.

Related Chika:

Sandara Park ‘super excited’ sa solo album, mala-tropical vibes ang peg

Read more...