Britney Spears hiwalay na kay Sam Asghari matapos ang 1 taong kasal

Britney Spears hiwalay na kay Sam Asghari matapos ang 1 taong kasal

Britney Spears, Sam Asghari

MAKALIPAS ang mahigit isang taong kasal, tuluyan nang naghiwalay ang international pop star na si Britney Spears at actor-fitness trainer na si Sam Asghari.

Kinumpirma ‘yan mismo ni Sam sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories.

Walang binanggit na rason ang Iranian-born model, pero tiniyak niya na mananatili pa rin daw ang kanilang pagmamahal at respeto sa isa’t-isa.

“After 6 years of love and commitment to each other my wife and I have decided to end our journey together,” lahad ng aktor sa IG.

Dagdag pa niya, “We will hold onto the love and respect we have for each other and I wish her the best always.”

Nanawagan din siya na sana raw ay maintindihan ng publiko ang pinagdadaanan nila ni Britney.

“Asking for privacy seems ridiculous so I will just ask for everyone including media to be kind and thoughtful,” aniya sa post.

Baka Bet Mo: Britney umiyak sa TV documentary tungkol sa kanyang buhay

Base sa inilabas na court documents ng Los Angeles sa California, ang divorce ng dalawa ay dahil sa “irreconcilable differences” o hindi pagkakaintindihan.

Taong 2016 nang unang magkakilala sina Britney at Sam sa taping ng music video ng singer na pinamagatang “Slumber Party.”

Ayon sa dating interview ng aktor, siya ay personal na pinili ni Britney upang maging ka-love team sa nasabing music video.

Taong 2021 naman nang mabalitang engaged na ang dalawa at makalipas ang isang taon ay ikinasal na nga sila sa Thousand Oaks, California.

Ilan lamang sa mga dumalo sa kanilang wedding ay ang sikat na international celebrities kagaya nina Selena Gomez, Drew Barrymore, Paris Hilton at Madonna.

Related Chika:

Pinoy fans nakiramay sa pagkawala ng miracle baby ni Britney Spears: This is a devastating time for any parent…

Pagtanggal ng kontrol ng ama sa career, pinansya ni Britney Spears sisimulan na

Read more...