NAKAKALOKA ang naging rebelasyon ng aktres na si Iza Calzado patungkol sa kanyang pagbubuntis kay Baby Deia.
Kasabay ng kanyang mensahe sa anak na ibinandera sa Instagram, ibinunyag ng aktres na nagkaroon siya ng isang klase ng impeksyon at parasitic disease na kung tawagin ay “Toxoplasmosis.”
Sabi niya, nalaman niyang nagpositibo siya sa nasabing sakit habang ipinagdiriwang niya ang kanyang kaarawan sa Switzerland.
“I was told that my recent test results for a parasitic disease called Toxoplasmosis confirmed that it was a recent infection and could be a potential risk for you, if it passed through the placenta,” caption ng aktres sa post.
Ayon pa kay Iza, kahit nasa bundok sila ‘nung mga panahon na ‘yan ay agad namang nagpa-schedule ng check-up via zoom call ang kanyang mister na si Ben Wintle.
Inabisuhan daw siya ng doktor na mapanganib ang kanyang naging sakit dahil posible itong magdulot ng brain damage, pagkabulag at pwede rin siyang makunan.
“I was told there could be brain damage, visual impairment or it could even lead to pregnancy loss,” sey ng aktres.
Baka Bet Mo: Iza Calzado ibinahagi ang karanasan bilang first time mom: An imperfectly perfect Mother to my precious child!
Naikuwento pa ni Iza na humagulgol siya nang iyak matapos makausap ang doktor, pero hindi raw ibig sabihin nito ay susuko siya.
Lahad niya sa IG, “I remember crying as soon as the zoom meeting was done and stepping out of the car, rushing to the edge of the mountain and, with tears streaming down my face, saying ‘No. No. No! Lalaban tayo, anak. Lalaban tayo!’”
“For the first time in my life, I felt a very primal urge to fight, not only for myself, but for another human,” dagdag niya.
Kasabay raw ng kanyang paglaban sa sakit ay nagtiwala rin daw siya sa Diyos na hindi sila pababayaan.
Sey niya, “This was the first time I felt deeply connected to you. I knew that we would fight this together. I knew that God was on our side and he would make sure everything turns out well.”
Inilahad din ni Iza ang mga isinagawa niyang treatments and medications upang maging ligtas ang kanyang pagbubuntis.
“We had to stay in the U.K. because there are no advanced testing or treatments available in the Philippines,” kwento ng aktres.
Patuloy niya, “The frequent tests, the anxious waiting for result after result, the escapades to find the scarce medication, added up to my introduction to motherhood. Thank God that we concluded that you were safe. The placenta did its job to keep the toxo out.”
“As I watch you grow into the healthy and strong baby that you are, I marvel at God’s divine timing, plan and His grace,” sambit pa niya.
Sa huli ay lubos niyang pinasalamatan ang kanyang anak dahil hindi rin daw siya sinukuan nito.
“Thank you for being one with me in that battle. We are so blessed to have you, anak. Mahal na mahal kita,” ani ni Iza.
Kung matatandaan, taong 2018 nang ikinasal sa Palawan si Iza at ang mister na si Ben Wintle.
At matapos ang tatlong taon ay biniyayaan na sila ng napakagandang anak.
Related Chika:
Julia sa mga biktima ng pambu-bully: Stand up for yourself at ipagdasal n’yo sila