Carmina Villarroel ka-date ang pamilya sa pagdiriwang ng ika-48th birthday: ‘It was a perfect night!’

Carmina Villarroel ka-date ang pamilya sa pagdiriwang ng ika-48th birthday: ‘It was a perfect night!’

PHOTO: Instagram/@mina_villaroel

MASAYANG nagdiwang ng kaarawan ang TV host-actress na si Carmina Villarroel kasama ang kanyang mister na si Zoren Legaspi at ang kambal niyang mga anak na sina Mavy at Cassy.

Sa isang Instagram post, makikita na nagkaroon sila ng intimate dinner sa Grand Hyatt Manila.

Ibinandera mismo ni Carmina ang ilang special moment ng kanilang selebrasyon.

“Celebrated my birthday in advance with my family. [blue heart emoji] Thank you LORD for allowing me to see another birthday [folded hands emoji],” wika ni Carmina sa kanyang post.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel napikon sa napakalakas na sampal ng kaeksenang artista: ‘Nawala ako sa frame at nahulog ako sa sofa!’

Napa-comment naman diyan ang kanyang asawa at inilarawan ang kanilang night out na, “It was a perfect night [red heart emojis].”

Sa hiwalay na IG post ni Zoren, makikita ang isang video na hinihipan ng kanyang misis ang isang birthday candle habang may background music ito na “Happy Birthday” song.

Pagbati pa ng aktor, “Happy Birthday to my better half, [Carmina Villarroel]. If I can’t bring you to the moon, I will bring the moon to you.” 

Naghandog din ng heartwarming message si Cassy para sa birthday ng kanyang ina.

“[P]eople ask me what kind of woman I want to be, I respond by saying ‘just like my mom’ [heart emoji],” sey niya sa IG.

Mensahe pa niya, “Happy Birthday mama! Thank you for inspiring not only me, but other people as well to be kind and generous.”

“I thank God everyday that he blessed me with the most patient, kind and perfect mom,” lahad pa ni Cassy.

Dagdag pa niya, “I love you so much mama! I will always be your baby girl no matter what [heart emoji].”

Tila napaiyak naman diyan si Carmina at sinabing, “Awwwww. You made me cry Baby girl [holdingback tears emoji] Thank you so much. I Love you So So much [blue heart emoji.” 

Related Chika:

Heart sa may mga mental health issue: It’s OK not to be OK, normal lang na hindi ka perfect…

Read more...