MATAPOS ang kontrobersyal na paghihiwalay nila ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes, spotted ang basketbolistang si Ricci Rivero kasama ang beauty queen-politician na si Leren Mae Bautista.
Mukhang patuloy na umuusbong ang magandang samahal sa pagitan ng dalawa dahil huling-huli ang dalawa habang namamasyal sa isang shopping mall.
Isang netizen ang nag-upload ng larawan nina Ricci at Leren na kuha habang abala ang dalawa sa pagtse-check ng mga plushie stuffed toys sa isang store sa loob ng isang mall.
Base sa in-upload ng isang fan account sa X (dating Twitter) na may username na @slayramonaaaa, makikitang nakasuot ng face masks, cap, at eyeglasses ang binata habang nasa tabi naman nito ang konsehala.
May ilan pang netizen na nag-upload ng photo nina Ricci at Leren na kuha naman sa ibang anggulo.
Kaya naman curious ang madlang pipol kung may namumuong “something” na nga ba sa dalawa lalo na’t alam na ng publiko na hiwalay na ang binata sa Kapamilya star.
Bukod pa rito, may inilabas ring report ang pep.ph kung saan makikita ang dalawa na magkasamang nagdya-jogging sa Freedom Park ng University of the Philippines Los Baños.
Kahit pa naka-face mask ang dalawa ay makikita sa larawang ibinigay ng kanilang source na si Ricci nga ang lalaki at si Leren ang babae lalo na sa larawang nakatanggal ang mask nito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na na-link ang dalawa sa isa’t isa.
Matatandaang noong hindi pa kinukumpirma nina Andrea at Ricci ang kanilang paghihiwalay ay spotted nang magkasama ang dalawa matapos ibahagi ng beauty queen ang larawan ng binata sa kanyang Instagram story.
Matapos nito ay nagsalita ang basketbolista at kinumpirmang hiwalay na sila ni Andrea.
Base rin sa statement ni Ricci, ay walang namamagitan sa kanilang dalawa ng konsehala at magkaibigan lamang sila.
Ngunit mukhang mas nagiging close ang dalawa lalo na’t single na ang binata.
Wala pa namang reaksyon si Leren at Ricci hinggil sa isyu.
Related Chika:
Awra Briguela gigil na gigil, pinasasaringan nga ba si Ricci Rivero: Grabe tigas ng fes