ANUNSYO: LRT-1 half-day lang sa August 20, magkakaroon ng ‘system upgrade’

LRT wala nang libreng sakay sa mga estudyante

Image from LRMC

ABISO para sa lahat ng commuters na sumasakay ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1)!

Sa darating na August 20, half day lang ang magiging operasyon sa buong linya ng nasabing tren.

Ayon sa isang Facebook announcement, imbes na umaga ay sa hapon ito pwedeng masakyan.

“Walang operasyon sa umaga mula 4:30am hanggang 11:59am,” saad sa post.

Anila, “Magsisimula ang NORMAL NA OPERASYON sa buong linya ng 12:00nn. Ang last train schedule ay 9:30pm (LRT-1 Baclaran Station) at 9:45pm (LRT-1 Roosevelt Station).”

Sinabi rin sa pahayag na ang special schedule ay dahil sa gagawing upgrade na bahagi ng ginagawa nilang Cavite Extension.

“Ito ay upang bigyang daan ang patuloy na isinasagawang signaling system upgrade sa buong linya na bahagi ng preparasyon para sa #LRT1 Cavite Extension,” sey ng pamunuan.

Dahil diyan ay inaabisuhan nila ang mga pasahero na planuhin nang maaga ang kanilang biyahe.

Baka Bet Mo: Ely sa Eraserheads reunion pag tumakbo si Leni ‘half serious joke’ lang daw: But people made it into a big deal

Magugunita nitong buwan lamang, ipinatupad sa LRT-1 at LRT-2 ang bagong fare adjustment o karagdagang singil sa pasahe.

Ayon sa inaprubahan ng Department of Transportation (DOTr), ang dating P11 na minimum boarding fee ay tumaas na ng P13.29.

Habang ang dating P1 para sa bawat kilometrong biyahe ay ginawa nang P1.21.

Ayon sa DOTr, gagamitin ang karagdagang pamasahe para sa pagsasaayos at pagpapabuti ng mga pasilidad at serbisyo ng mga tren.

Taong 2015 pa nang huling nagpatupad ng fare hike ang dalawang rail system.

Read more:

‘Hindi ako nagsisisi, magpalit na po kayo ng SIM’: Baler local praises Globe 4G LTE SIM benefits

Read more...