Rhian Ramos tinawag na ‘halimaw’ ng netizens, dasurved daw mag-best actress: ‘Sana po magkatotoo…of course, sino ba naman may ayaw?’

Rhian Ramos tinawag na 'halimaw' ng netizens, dasurved daw mag-best actress: 'Sana po magkatotoo...of course, sino ba naman may ayaw?'

Rhian Ramos

“DASURVED.” “Halimaw“. “Pang-best actress.” Ilan lang yan sa mga natatanggap na papuri ni Rhian Ramos sa ipinakikita niyang akting sa seryeng “Royal Blood.”

In fairness, marami talaga ang nagagalingan kay Rhian sa pagganap niya bilang Margaret sa nasabing GMA primetime series na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Kaya naman super thankful ang dalaga sa lahat ng mga natatanggap niyang good words at positive feedbacks tungkol sa akting niya sa “Royal Blood” as Margarer, ang religious at conservative na anak ng business tycoon na si Gustavo Royales played by Tirso Cruz III.


“Of course, I’m very happy and I’m very flattered. Well, totoo naman po na I try to work hard and do my homework and know my lines and know the feelings.

“Pero sa totoo lang sinuwerte lang ako na ganito ‘yung set namin, it’s very welcoming, lahat kami were really trying to do our best, and I think kita naman din na it’s not just me, everyone is really leveling up for their roles,” ang pahayag ni Rhian sa panayam ng GMA Network.

“Sinuwerte ako sa magagaling na scene partners, sa mga directors naming napaka klaro mag-explain kung ano ‘yung gusto nilang makita.

Baka Bet Mo: Joshua naghubad sa bagong horror film ni Chito Roño: ‘Kapag napanood n’yo ‘yung movie parang hindi ako nag-prepare ng katawan ko’

“And sa bawat tao rin po sa set na they really make us feel safe. Hindi mo mapi-feel ay nakakahiya ‘yung gagawin ko or ayokong puntahan ‘yung ganu’n ka wild kasi mukha akong ewan, hindi mo mapi-feel ‘yun. Everyone is super teamwork,” sey pa ni Rhian.


And of course, tuwang-tuwa rin si Rhian sa mga nagsasabing deserve rin niyang manalong best actress dahil sa akting niya sa “Royal Blood.”

“Sana po magkatotoo. Of course, sino ba naman may ayaw? Pero whether or not naman mangyari ‘yun, I’m already very happy with the response on social media.

“Pati ‘yung mga lumalapit lang sa akin when I go out, lumalapit sa akin sa mall na nakaka-connect sila, napi-feel nila ‘yung mga nararamdaman ni Margaret, masayang-masaya na ako roon just making that connection,” sey pa ni Rhian.

Napapanood ang “Royal Blood” tuwing 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Kasama rin sa serye sina Mikael Daez, Megan Young, Rabiya Mateo, Lianne Valentine at marami pang iba.

Dingdong sa mga babaeng contestant na ‘lumalandi’ sa kanya sa Family Feud: ‘Hindi ko naman napapansin, basta ang gusto ko manalo sila’

Mikael, Megan enjoy na enjoy gumanap bilang mag-asawa sa ‘Royal Blood’, pero ibang-iba raw sila sa tunay na buhay

Read more...