Netizens naguluhan sa muling pagpapakasal ni Gladys Guevarra: ‘Anyare sa wedding nila ni Mike Navarrete noong 2021? Iba na naman yarn?!’

Netizens naguluhan sa muling pagpapakasal ni Gladys Guevarra: 'Anyare sa kasal niya kay Mike Navarrete noong May, 2021? Iba na naman yarn?!'

Gladys Guevarra, Mike Navarrete at ang kanyang ‘mystery groom’

MARAMING nagulat at nahiwagahan sa muling pagpapakasal ng TV host at singer-comedienne na si Gladys Guevarra sa isang non-showbiz guy sa Amerika.

Nagtataka kasi ang mga fans at social media followers ni Gladys dahil ang buong akala nila ay masaya na itong namumuhay sa US kasama ang kanyang asawa.

Matatandaang noong May, 2021 ay ibinandera rin ng komedyana ang pagpapakasal niya kay Mike Navarrete na naganap din sa Amerika.

Kaya naman shookt ang mga netizens nang mag-post si Gladys nitong nagdaang August 13, sa Instagram ng short reel kung saan mapapanood ang muli niyang pagpapakasal.

Dito makikita at maririnig ang pagsasabi ng officiating priest ng, “You may now kiss the bride.”

Ang nakasaad sa caption ni Gladys ay, “Once upon a time, there lived a very lonely Princess. One day, her Knight in shining armour arrived. And they lived happily ever after. #ADisGLAD #GLADitsAD #GLADYSfinallyfoundDAWAn (heart, rose emojis).”

Baka Bet Mo: Gladys Guevarra nagalit kay Mega: Malinaw pa sa mineral water na nakita ng lahat ang tunay mong ugali

Maraming nagkomento at nagtanong sa post ni Gladys kung ano na ang nangyari sa una niyang pagpapakasal sa US dahil after nga niyang ibalita ang tungkol dito ay wala na siyang updates na ibinahagi sa publiko.

Hindi rin kasi pinangalanan ng komedyana ang kanyang groom na itinago lamang niya sa initials na “A.D.” Nagpalitan naman ng mensahe ang netizens sa comments section ng IG post ni Gladys.

“Iba ba sya sa pinakasalan nya years ago?” ang nagtatakang tanong ng isang IG user. Na sinagot ng isang netizen ng, “Yes po iba yata ito ulit.”


Sumabat din ang ilang followers ni Gladys sa Instagram.

“Yup iba p yun – eto ay 2nd marriage nya ata in VEGAS.”

“Iba Yong dati na scam sya. now nakita n nya totoo nag papasaya at pinakasalan sya godbless.”

“Uunga eh nagtaka ako iba na naman pala ito pinakasalan nya. Ganda yern. Ano kaya nangyari don sa isa.”

“Iba pa un nangscam sa kanya, hindi un tga US. Nun dumating sya sa US may pinakasalan sya jan. Tapos nagkaroon kolokoy, tapos ito iba na naman! Ejh ang ganda!”

Ang tinutukoy na “Kolokoy” ng netizen ay ang content creator na si Pambansang Kolokoy o Joel Mondina sa tunay na buhay. Napagkamalan kasing magdyowa ang dalawa dahil sa ginawang collab sa YouTube.

Last August 9 naman ay ipinost din ni Gladys ang litrato niyang naka-wedding gown, kalakip ang mahabang caption.

“I thank God dahil hindi hatred ang namalagi sa puso ko. I am blessed by God din to continue to love again.

“And ipinaramdam din sa akin ni Papa God na hindi totoong wala ng magmamahal sa akin.

“Maraming Salamat sa Panginoon Diyos Ama na syang nagbiyaya sa akin ng lahat ng lakas ng loob na magpatuloy sa buhay sa kabila ng pakiramdam kong endless battles. May katapusan pala lahat ng pain at heartaches.

“Pinabangon ako muli ni Lord at binigyan ng isang katulad ni AD. Na minahal ako at minamahal ng buong buo at wala ng kahit anong question.

“Hindi ako uminda sa lahat ng sakit at pagsubok, knowing mas maraming sakit, hirap at pagpapahirap ang ginawa kay Jesus. Iniyakan ko? Oo, pero hindi ako pinabayaan ni Lord.

“At mas ipinaramdam pa sa akin ng Panginoon na mas deserve ko pang lumigaya ng mas maligaya pa sa inakala kong ligaya,” litanya ng komedyana.

Pahabol pa niyang mensahe, “To God be all the glory. Tama ang sinabi ng Panginoon, may inilaan sya para sa akin. At hindi ko kailangan magmadali.

“Ngayon alam ko na ng malinaw bakit nangyari ang lahat ng nangyari. May mas magandang plano si Lord. Kaya thank you Papa God sa lahat lahat ng ito.

“Ibinabalik ko po ang lahat ng ito sa iyo. Sa iyo po ang lahat ng aking papuri Father God.

“At pasasalamat sa lahat ng taong hindi ako iniwan sa ere at patuloy na nagmahal, nagmamahal at sumusuporta sa akin hanggang ngayon. Smile nalang ako ng smile ngayon. Let us all just spread LOVE!” aniya pa.

Gladys Guevarra ibinandera ang bagong bahay sa US: Ang hirap, pero thank you Lord!

Gladys balik-stand up comedy sa US, asawa na-shock: Grabe! Iba ka pala talaga mahal!

Read more...