Pamilya ni Jay-R nagluluksa sa pagpanaw ng ama: ‘Love you dad…see you again on the other side’

Pamilya ni Jay-R nagluluksa sa pagpanaw ng ama: 'Love you dad...see you again on the other side'

Jay-R at ang amang si Gaudencio Sillona, Jr.

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng King of R&B na si Jay-R dahil sa pagpanaw ng kanyang ama na si Gaudencio “Jun” Sillona, Jr..

Ibinahagi ng singer-songwriter ang malungkot na balita sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Aniya, sumakabilang-buhay ang kanyang tatay nitong nagdaang August 12.

Nag-post si Jay-R ng litrato ng kanyang ama sa IG na may caption na, “Love you dad. See you again on the other side.”

Wala namang nabanggit si Jay-R kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama.

Sa kanya namang Instagram Stories, nag-share ang asawa ni Jay-R na si Mica Javier ng isang video ng award-winning singer kung saan binigyan nito ng tribute ang ama.

“I love you dad. We are blessed because of you dad. And we are going to be strong and will continue your legacy. So this one is for dad, everybody,” ang maririnig na mensahe ni Jay R para sa tatay niya.


Sa comments section, bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa yumaong ama ni Jay-R, kabilang na riyan ang mga kaibigan ng singer sa mundo ng showbiz. Narito ang ilan.

Baka Bet Mo: Christian Bables kay Direk Jun Lana: Natatakot po ako sa kanya na nahihiya

Mensahe ni Coleen Garcia, “So sorry for your loss… Sending our love to you guys. We’re always here for you!”

Pakikiramay ni Jona, “Condolence kuya Jay… praying for u and the whole fam.”

“Our Condolences Brother…” sabi naman ni Gloc-9.

Post naman ni Iza Calzado, “My deepest condolences.”

“Sending my love and prayers JayR,” mensahe ni Karylle.

Sabi naman ni Chynna Ortaleza, “Prayers of love & light.. @rnbjayr. Sending our sincerest condolences to you & your family.”

Nakiramay din sa R&B Prince si Adrian Alandy, “Sorry for your loss bro. Prayers for your family.”

“Condolence Jay,” ang pakikiramay ni Jolina.

Jay-R, Jake Zyrus pinakilig ang mga Fil-Am; nangharana sa Miss Philippines USA 2021

Lea, Regine, Gary V pasok sa Top 3 ng pinakamagagaling na Filipino Singers, base sa listahan ng isang R&B lifestyle magazine

Read more...