Ylona bidang-bida sa pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ sa isang palaro sa LA: ‘Sana ay proud kayo, Pilipinas!’

Ylona bidang-bida sa pag-awit ng ‘Lupang Hinirang’ sa isang palaro sa LA: ‘Sana ay proud kayo, Pilipinas!’

PHOTO: Instagram/@ylonagarcia

LUBOS na ikinararangal ng Filipino-Australian singer na si Ylona Garcia na siya ang napiling kumanta ng Pambansang Awit ng Pilipinas para sa isang football game sa Los Angeles, California.

Nangyari ‘yan sa pagdiriwang ng Filipino Heritage Night noong August 2 kasabay ng Los Angeles Dodgers game sa Dodger Stadium.

Sa Instagram, nag-open up si Ylona sa kanyang naging experience matapos kantahin ang “Lupang Hinirang.”

Inamin ng singer na siya ay nakaramdam ng kaba nang ibigay sa kanya ang ganitong klaseng task.

Wika ni Ylona sa IG, “Nagkaroon ako ng pagkakataong kantahin ang Lupang Hinirang (Philippine National Anthem) sa palaro ng Dodgers!!”

Baka Bet Mo: Robin umalma nang punahin ang hand gesture habang kumakanta ng ‘Lupang Hinirang’, magre-resign na lang sa Senado kung…

“Medyo kabado ako ‘nung una na kantahin ito, dahil hindi ito ang sarili kong kanta,” sey pa niya.

Gayunpaman ay tiniyak naman niya na magiging maayos at mula sa puso ang kanyang pagkanta nito.

“Ito ang kanta na nagrerepresenta sa aking sarili at sa aking bansa. Sinigurado ko na nasa tamang tono, tamang oras at higit sa lahat galing sa aking puso ang pag kanta ko nito,” lahad niya.

Ani pa ng hitmaker, “Sana’y napasaya at napahanga ko kayo, mga kababayan. Sana ay proud kayo, Pilipinas!!”

Umani naman ng mga papuri si Ylona mula sa mga kapwa-Pinoy na nakasaksi ng kanyang pagkanta.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Napahanga mo kami, ylona. Napakahusay ng iyong pag kanta.”

“You did an excellent job in singing our national anthem.. me and my friends were there.”

“You did great! [red heart emoji]”

Bukod diyan ay nakatanggap din siya ng suporta mula sa ilang personalidad gaya nina Vina Morales, Vicki Belo, at Arci Muñoz.

“Proud of you girl,” komento ni Dra. Vicky.

Bago pa man ma-relocate sa Los Angeles, naging tampok si Ylona sa ilang Kapamilya series tulad ng “On the Wings of Love” at “Sana Dalawa ang Puso,” na mga pinagbidahan nina Jodi Sta. Maria, Sen. Robin Padilla, at Richard Yap.

Related Chika:

Read more...