Darren Espanto never naisip layasan ang ABS-CBN para lumipat sa ibang TV network; kakaririn na ang pagiging aktor

Darren Espanto never naisip layasan ang ABS-CBN para lumipat sa ibang TV network; kakaririn na ang pagiging aktor

Darren Espanto

WALANG nakitang dahilan ang singer-actor na si Darren Espanto para layasan ang ABS-CBN at lumipat sa ibang TV network.

Ito’y kahit pa nga nawalan ng prangkisa ang Kapamilya Station at sumabay pa ang pagkakaroon ng COVID-19 pandemic noong 2021.

In fairness, nagbunga naman ang pagiging loyal ng binata dahil makalipas ang halos 10 taon ay binigyan na rin siya ng network contract sa ABS-CBN. Kaya naman todo-todo ang pasasalamat ni Darren sa panibagong blessing na ito sa kanyang career.


“I’ve been with ABS-CBN for almost 10 years now. Tapos first network contract ko. So it’s really a dream come true kasi nu’ng bata pa lang ako, nakikita ko ‘yung mga artista na nasa news articles ng ABS-CBN.

“So, nakikita ko po nu’ng bata ako na pumupirma sila. Tapos ngayon, isa na ako sa mga artists na ‘yun. So, it feels surreal to me,” pahayagpa ni Darren.

Patuloy pa niya, “Parang wala naman po akong times na napaisip na bakit wala akong network contract pero Star Magic artist naman din po so I’m technically with ABS-CBN na rin through that.

Baka Bet Mo: Supladong singer-actor sakit ng ulo ng mga taga-production; ayaw gumawa ng promo materials

“And, I understand kasi hindi rin naman po ako ‘yung tipong umaarte talaga regularly so parang hindi ko naman naisip na kailangan ko ng network contract din,” sabi pa ng binata.

“Also the way we are treated here in ABS-CBN, isang malaking pamilya po talaga kami dito with our bosses, our co-artists. So, I never really found a reason po to leave. But I do keep finding reasons to stay with ABS-CBN,” dugtong niya.


Promise ni Darren, mas pagtutuunan daw niya ngayon ang kanyang acting career. Sa katunayan, very soon ay mapapanood na ang aktor kasama ang kanyang rumored girlfriend na si Cassy Legaspi sa comeback film nina Christopher de Leon at Vilma Santos.

“What you can expect from me is more acting projects as well. Especially with ABS-CBN po ngayon. This year meron din po akong movie with Ms. Vilma Santos and Sir Christopher de Leon.

“Ang ka-partner ko po du’n si Cassy Legaspi. So it’s something that I never thought would be possible po pero mangyayari na siya.

“It’s also a different side of Darren na makikita po nila du’n. So, that’s also something that I’d like to work on more. Mag-acting classes pa,” kuwento pa ng singer-actor.

Unang nakilala si Darren bilang finalist sa “The Voice Kids” season 1 at napapanood siya ngayon bilang hurado sa “Tawag ng Tanghalan” ng “It’s Showtime”.

Darren Espanto ‘in love’ raw, huling-huli ni Vice Ganda

Jennica lilipat na ng tirahan kasama ang 2 anak, ipinagbebenta na ang mga gamit sa bahay

Read more...