OYO bubuntisin uli si TINTIN: Gusto ko pa ng 2 baby sa bahay! | Bandera

OYO bubuntisin uli si TINTIN: Gusto ko pa ng 2 baby sa bahay!

Ervin Santiago - October 21, 2013 - 03:00 AM

NAPAKASWERTE ni Oyo Sotto sa asawang si Kristine Hermosa, bukod kasi sa napakabait daw na misis nito ay isa rin itong hands on mom, kaya naman wala na raw talagang hahanapin pa ang aktor-businessman sa kanyang partner in life.

Sey ni Oyo nang makachika namin kamakailan, hindi lang daw ang panlabas na anyo ni Tin ang maganda, kundi pati na ang kalooban nito, wala raw talaga siyang maipipintas sa kanyang misis, kung minsan nga raw ay nagkakasakit na ito sa sobrang pag-aalaga sa kanilang mag-aama.

“Ako, sa totoo, na I feel for Kristine. Alam ko talaga na nami-miss na niyang magtrabaho. Kaya lang, yung mga projects na ino-offer sa kanya, hindi suma-swak doon sa ano, e, sa schedule.

Kasi kapag nag-soap ka, i-expect mo nang araw-araw ‘yan, e. “At saka yung uwi mo laging umaga, di ba? So yun lang. Sana maayos lang yung schedule at saka mabigyan siya ng gusto niyang role,” paliwanag ni Oyo.

Nang matanong si Oyo tungkol sa posibleng pagbabalik ni Kristine sa showbiz, sinabi nitong hindi naman nawawalan ng offer ang aktres, sa katunayan, matagal na itong kinukumbinse na magbalik na sa paggawa ng teleserye.

Pero talagang hindi pa ito makaoo dahil priority pa rin siyempre ang kanyang pamilya.Nag-aalala raw kasi si Tin na baka mapabayaan niya ang kanyang mga responsibilidad bilang asawa at ina, dahil nga matindi ngayon ang labanan pagdating sa paggawa ng nga teleserye, as in maraming oras ang kailangang igugol dito.

Natawa naman si Oyo nang tanungin kung papayag ba siyang magkatrabahong muli sina Tintin at Jericho Rosales at okay lang ba sa kanya na makipaghalikan muli ang misis niya sa dati nitong boyfriend?

“Siguro, okay lang na magsama sila huli sa trabaho, pero para wala na lang problema, wala na lang kissing scene! Ha-hahaha! Naku! Mamaya magalit na naman sa akin yung mga fans nila!” chika ng anak ni Vic Sotto.

Alam n’yo ba na anim palang anak ang gusto ni Oyo, pero sa hirap daw ng buhay ngayon at sa hirap magpalaki ng bata, apat na lang daw, “Magtu-two years old na yung bunso namin sa December.

Kaya sana nga buntis na!” natawang pahayag ni Oyo. “Actually, noong nag-one year old si Ondrea (bunso), sinusubukan na namin ulit sundan, kaya lang hindi pa ibinibigay ni Lord.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gusto namin sana, anim, e. Pero siguro four, okey na—four ang minimum,” hirit pa nito.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending