ROCHELLE PANGILINAN dinudugo, may problema sa kalusugan | Bandera

ROCHELLE PANGILINAN dinudugo, may problema sa kalusugan

Ervin Santiago - October 21, 2013 - 03:00 AM

Dinudugo na si Rochelle Pangilinan sa sobrang stress at sa sobrang kakaisip. Nagkakasakit na kasi ang dancer-actress dahil sa hirap na pinagdaraanan nila every week sa Sunday All Stars ng GMA 7, siya ang leader ngayon ng Tropang Trending na dating pinangununahan ni Mark Herras.

Nakachikahan namin ang dating member ng Sexbomb Dancers sa ginanap na Masskara Festival sa Bacolod nitong weekend along with the other Kapuso artists Andrea Torres and Mark Herras, dito nga niya naikuwento na magpapahinga muna siya dahil lately ay lagi na lang siyang nilalagnat at patang-pata.

Grabe naman kasi ang inuubos nilang panahon at energy sa pag-conceptualize pa lang ng kanilang production number sa SAS, kaya dito pa lang ay quota na raw siya.

Bukod diyan ay meron pa siyang reality show na Anak Ko Yan kung saan isa siya sa mga judge, at may mga out of town shows pa para sa Kapuso Fans Day at mall shows.

“Hindi naman sa nagrereklamo pero talagang dusa ang SAS, nagkakasakit na talaga ako. Nag bleeding na ko. Kaya pahinga muna dahil sa stress. Hindi ko na kinaya.

Nagkaroon ng problema sa health ko. Siguro, sobrang pag-iisip na rin kaya dinudugo ako. “Kailangan kong mag-rest muna, yung walang iniisip.

Kasi nga ang sistema, hindi pa natatapos yung Sunday All Stars ngayong linggo, kailangang mag-isip na ng bagong concept for next week.

Isa-submit pa yun sa production for approval, saka pa lang kayo gagalaw tapos bukod sa rehearsal iintindihin mo pa yung costume at kung anu-ano pa.

Tapos yung stress pa sa practice. So mahirap talaga, hindi biro. Mas karir pa sa teleserye,” mahabang litanya ni Rochelle.
Medyo pahinga muna siya sa teleserye, pero very soon ay may sisimulan na uli siyang soap, sana raw ay hindi maudlot.

Tungkol naman sa pag-aasawa, talagang wala pa raw silang plano ni Arthur Solinap na magpakasal, “Nakakatawa nga, lagi na lang akong tinatanong about sa kasal, ako naman sagot nang sagot na wala pang proposal, wala pang singsing, feeling ko nga iniisip ni Art nagpaparinig ako.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ha-hahaha! Baka sabihin pine-pressure, nakakahiya naman, di ba? So, hintayin na lang natin.”

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending