Wally Bayola malutong na nagmura sa national TV, ‘E.A.T.’ ipinatawag ng MTRCB

Wally Bayola malutong na nagmura sa national TV, 'E.A.T.', ipinatawag ng MTRCB

VIRAL ngayon ang isang clip mula sa Thursday episode ng “E.A.T” kung saan rinig na rinig ang malutong na pagmumura ni Wally Bayola on national TV.

Ang naturang insidente ay naganap kahapon, August 10, habang nasa labas siya ng studio kasama si Jose Manalo para sa segment na Sugod Bahay Mga Kapatid.

“Ang galing mo. P***** **a,” malakas na sabi ni Wally.

Agas namang pinuna ng mga netizens ang hindi magandang ipinamalas ng komesdyante sa national TV at nanawagan sa MTRCB dahil malinaw na paglabag raw ang ginawa nito.

Isa na nga sa mga nag-react sa ginawa ni Wally ay ang social media personality na si Rendon Labador.

“Pasensya na sa buong ahensya ng MTRCB pero ang feedback ko sa inyo ay patanga tanga kayong lahat. Ang kukupad at ang babagal ninyo! Kung hindi ninyo kaya magampanan ang mga trabaho ninyo, mag si-resign nalang kayong lahat,” sey ni Rendon.

Maging ang iba pang mga netizens ay tinawag ang pansin ng ahensya at imbestigahan ang nangyari.

Baka Bet Mo: Jose Manalo, Wally Bayola pinaglaruan sa noontime show ng TVJ: ‘Jurassic’ siya at hindi nakakatawa

At tila nagtagumpay ang madlang pipol dahil ngayong araw ay naglabas ng pahayag ang MTRCB na pinapatawag nila ang noontime show sa kanilang tanggapan.

“Nag-isyu ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), motu proprio, ng Notice to Appear at Testify sa Production Group ng noontime variety show E.A.T hinggil sa pagmumura ng isa sa mga host ng programa na si Wally Bayola noong ika-10 ng Agosto 2023, na namataan ng
MTRCB Monitoring and Inspection Unit,” saad sa pahayag na inilabas ng ahensya.

Ayon sa MTRCB ay nilabag nila ang Section 2 (B), Chapter IV of the Implementing Rules and Regulations of Presidential Decree No. 1986 (PD No. 1986).

Nakatakda namang maganap ang pagdinig ukol sa ginawa ni Wally sa Lunes, August 14, sa opisina ng MTRCB.

“Ipinaalala ng MTRCB na anumang paglabag sa PD No. 1986 at sa mga Patakaran at Regulasyon nito na namamahala sa mga pelikula, mga programa sa telebisyon, at kaugnay na promotional materials nito ay parurusahan ng suspensyon o kanselasyon ng mga permiso at/o lisensya na inisyu ng Board at/o ng pagpapataw ng multa, at iba pang uri ng administratibong parusa,” giit pa ng ahensya.

Related Chika:
Maine nakipag-agawan ng hilaw na mangga kina Paolo, Jose at Wally: ‘Uy, hindi ako naglilihi, gusto ko lang talaga to!’

Wally Bayola pinatunayan ang loyalty kina Tito, Vic & Joey, never tatraydurin ang Dabarkads: ‘Kung saan ang TVJ, du’n ako’

Read more...