ISA nanamang re-recorded project ang ilalabas ng pop superstar na si Taylor Swift ngayong taon!
Ito ang album na “1989 (Taylor’s Version)” na nakatakdang i-release sa October 27.
Inanunsyo ‘yan mismo ng sikat na singer sa pagtatapos ng kanyang US leg Eras Tour sa Los Angeles SoFi Stadium.
Matapos kantahin ang ilang tracks mula sa kanyang “1989” era ay bigla nitong sinabi na may pinagkakaabalahan siyang isang malaking sorpresa para sa fans.
“Instead of telling you about it, we’ll just show you,” sey niya sa kanyang audience sa concert habang may ipinakita sa screen sa kanyang likod.
Baka Bet Mo: Taylor Swift excited na sa paglabas ng ‘Speak Now’ album sa July 7: ‘I cannot wait to celebrate it with you’
Excited pa niyang sinabi, “1989 (Taylor’s Version) available October 27th!”
Sa isang Instagram post, inamin ni Taylor na paborito niya ang upcoming album.
“To be perfectly honest, this is my most FAVORITE re-record I’ve ever done because the 5 From The Vault tracks are so insane,” saad niya.
Aniya pa, “I can’t believe they were ever left behind.”
Kung maaalala noong nakaraang Hulyo ay nagdiwang ang maraming fans ni Taylor matapos ilabas ang “Speak Now (Taylor’s Version).”
Laman nito ang 14 songs mula sa orihinal na album, pati ang 2010 bonus tracks na “Superman” at “Ours.”
Tampok din sa naturang album ang ilang unreleased tracks, pati na rin ang song collaborations with Hayley Williams ng Paramore at bandang Fall Out Boy.
Sa Instagram post, ikinuwento ng Grammy-winning singer-songwriter na ang mga kanta sa “Speak Now” re-recorded album ay tungkol sa kanyang paglaki at ilang mga sikreto noong siya ay bata pa.
Ang “Speak Now (Taylor’s Version)” ay ang ikatlong re-recorded series matapos ilabas ang “Fearless” at “Red” albums noong 2021.
Related Chika: