Little Mermaid star Halle Bailey nag-alay ng kanta para sa mga kababaihan, nilabas ang debut single na ‘Angel’

Little Mermaid star Halle Bailey nag-alay ng kanta para sa mga kababaihan, nilabas ang debut single na ‘Angel’

PHOTO: Courtesy Sony Music

MATAPOS bumida sa live-action film na “The Little Mermaid,” naglabas naman ng bagong kanta ang Global superstar na si Halle Bailey!

Ito ang kanyang debut single na pinamagatang “Angel.”

Ayon sa actress-singer, nais niyang magbigay ng inspirasyon sa lahat ng mga kababaihan sa buong mundo sa pamamagitan ng kanyang awitin.

Naikuwento rin ni Halle na very special at malapit sa kanyang puso ang “Angel” dahil base rin ito sa mga pinagdaanan niya sa mga nakalipas na taon.

“With everything I’ve gone through the past 3-4 years, suddenly finding myself in this bubble of all these eyes and new opinions, it was easy for me to feel doubt in myself and who I was,” sey ni Halle sa inilabas na pahayag mula sa Sony Music. 

Baka Bet Mo: ‘Barbie’ movie gumawa ng kasaysayan, humakot ng $1-B sa takilya

Dagdag niya, “This song for me was my climb out of those feelings, a mantra and promise to myself that the work I’m doing here on earth matters and that I matter.”

“I wanted to be able to embrace and be proud of myself and who I am naturally through and through,” sambit pa niya.

Aniya pa, “I hope other brown and black girls and everyone in general feel embraced, respected, and inspired hearing the words of this song.”

Ang nag-produce ng bagong kanta ay ang Grammy award-winning producer na si Theron “NeffU” Feemster na kilalang music producer ng ilang sikat na singers kagaya nina Michael Jackson, Justin Bieber, at Ne-Yo.

Para sa kaalaman ng marami, dati nang nagre-release ng mga kanta si Halle pero lagi niyang kasama riyan ang kanyang kapatid na si Chloe.

Ilan lamang sa mga fan favorites ay ang full-length albums nila na “The Kids Are Alright” na inilabas noong 2018 at ang “Ungodly Hour” na ni-release noong 2020.”

Related Chika:

Ilang celebrities, netizens naki-join sa viral filter na ala-‘Barbie’ poster 

Read more...