Jennylyn feeling baguhang artista matapos ang 2 taong hiatus: ‘Pakiramdam ko hindi na ako marunong umarte…’

Jennylyn feeling baguhang artista matapos ang 2 taong hiatus: ‘Pakiramdam ko hindi na ako marunong umarte…’

PHOTO: Instagram/@mercadojenny

TILA back to zero pagdating sa pag-arte ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado.

Siya mismo ang umamin niyan matapos siyang kamustahin ng entertainment correspondent na si Nelson Canlas sa isang podcast interview ngayong nagbabalik siya sa showbiz matapos ang dalawang taong pahinga.

Sey ni Jennylyn, “Parang pakiramdam ko…parang baguhang artista ako.”

“Pakiramdam ko hindi na ako marunong. Parang nahihiya ako ganu’n, tapos hindi ko ma-memorize ‘yung script ko,” saad pa niya.

Ayon pa kay Jen, kumpara dati ay kailangan niya ng mas mahabang panahon upang talagang mapaghandaan ang kanyang mga eksena.

Baka Bet Mo: Jennylyn nahihirapang ibalik ang dating katawan, laging tanong kay Dennis: ‘Baby, malaki ba ‘ko? Ang taba ko pa rin ba?’

“Nawala ‘yung practice, kasi palagi ko siyang ginagawa noon,” sambit ng aktres.

Patuloy niya, “Hindi rin ako halos nagpapahinga, so mas confident ako na gawin ‘yung mga eksena, name-memorize ko.”

“Ngayon parang baby brain pa, ‘yung hindi ko pa agad makabisado so kailangan ko ng time talaga na, kunwari ‘yung day ng before ng taping, kailangan kong makita ang sequences para prepared ako the next day, ganun,” paliwanag pa niya.

Kung matatandaan, ang showbiz comeback ni Jennylyn ay unang ibinalita noong nakaraang taon sa panayam din with Nelson.

Matatandaang noong October 2021 nang mabalitaang nagdadalang-tao ang aktres kasabay ng kanyang taping sa GMA series na “Love. Die. Repeat.”

Dahil diyan, itinigil muna ang pagbuo ng nasabing teleserye at pinagpahinga na muna siya.

Isinilang ng aktres ang first baby nila ng aktor na si Dennis Trillo noong Mayo ng nakaraang taon.

Sa kasalukuyan ay itinuloy na ni Jen ang kanyang taping sa naiwang serye.

Related Chika:

Coco, Julia umaming matagal nang magdyowa: ‘Napakasarap ng pakiramdam dahil 12 years na kaming magkasama’

Read more...