KAABANG-ABANG ngayon ang bagong pelikula ng iconic Hollywood action star na si Liam Neeson.
Bibida siya sa suspense action film na may titulong “Retribution” na nakatakdang ipalabas sa mga lokal na sinehan sa August 23.
Trailer pa lang ang nilalabas, siksik na agad sa maaksyong eksena ang mga ganap ng veteran actor.
Base sa pasilip, iikot ang istorya ng pelikula sa successful businessman na si Matt Turner, ang ginagampanan ni Liam, na nakatanggap ng tawag mula sa hindi makilalang suspect.
Mapapanood na tila na-trap si Matt at ang dalawa niyang anak sa kanilang kotse na may nakatanim na bomba.
Ang tanging paraan lamang upang makaligtas sila sa malagim na sitwasyon ay kailangang sundin ni Matt ang mga ipinapagawa sa kanya ng mystery caller.
“In Retribution we are blowing cars up, all over Berlin, reaching an electrifying peak by placing Neeson’s unwitting but resourceful everyman, Matt Turner, and his two children in a car that has pressure-triggered bombs rigged under their seats,” kwento ng mga producer ng nasabing action film na sina Andrew Rona at Alex Heineman sa inilabas na pahayag.
Baka Bet Mo: Celine Dion may bagong album matapos ang apat na taon
Ayon kay Liam at sa mga producer, nais nilang ipagtanto sa mga manonood na bigyan ng importansya kung ano ang tunay na mahalaga sa kanilang buhay.
“The concept of it is so immediate and engaging and it’s got themes that really resonate, like money and greed. It’s a movie, Neeson says, that you will leave with a better appreciation of what truly matters. For me, that’s it. What’s really important,” anila.
Dagdag pa, “Sometimes you need to remember to take the time to smell the roses, to sit back and enjoy things. So that’s my advice on this. Sit back and enjoy it.”
Tampok rin sa “Retribution” sina Jack Champion, Lilly Aspell, Matthew Modine at Embeth Davidtz.
Related Chika:
HORI7ON nasa South Korea na para sa upcoming debut, pero isang miyembro naiwan?