MUKHANG hindi na mahihirapan ang mga dayuhang turista na makapunta sa ating bansa!
Mas maluwag na kasi ang COVID-19 requirements upang makapasok sa Pilipinas.
Noong August 9, inanunsyo ng Department of Health (DOH) na hindi na required ang COVID-19 vaccination certificate para sa dumadating na mga turista mula sa ibang bansa.
“All arriving international travelers are accepted regardless of their vaccination status,” sey ng DOH matapos ilabas ang updated guidelines para sa inbound at outbound travelers.
Samantala, nilinaw ng ahensya na ang vaccination requirements kung lilisanin niyo naman ang Pinas ay nakadepende sa bansa ng iyong pupuntahan.
Baka Bet Mo: Dayuhang pasahero sa NAIA nawalan ng P50k, naibalik agad ng airport staff
“It is highly recommended that the travelers should check on the requirements of the country that he or she is going,” paalala ng DOH.
Magugunita noong Hulyo lamang ay pinawalang-bisa na ni Pangulong Bongbong Marcos ang “public health emergency” sa buong bansa.
Nakasaad sa pinirmahan ng pangulo na bagamat inalis na ang “emergency status” sa bansa dahil sa pandemya ay ipagpapatuloy pa rin ang “all emergency use authorization” na inisyu ng mga regulator ng gobyerno hanggang sa taong 2024.
Ito raw ay upang magamit pa ang mga natitirang bakuna laban sa COVID-19.
Ipinaliwanag din sa direktiba ng presidente na kahit nananatiling “serious concern” ang naturang virus, napanatili ng bansa ang “sufficient healthcare system capacity” at “low hospital bed utilization rates.”
Kung maaalala, taong 2020 nang pinirmahan ng dating pangulo na si Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 922 na naglagay sa buong Pilipinas sa ilalim ng state of public health emergency dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19.
Read more: