Yasmien Kurdi maraming pinagdaraanan sa personal life; nanay na-confine sa ospital, naghihintay ng kidney donor

Yasmien Kurdi maraming pinagdaraanan sa personal life; nanay na-confine sa ospital, naghihintay ng kidney donor

Yasmien Kurdi kasama ang kanyang ina (may emoji sa mukha) at ilang hospital staff

MAY pinagdaraanan pala ngayon ang pamilya ng Kapuso actress at celebrity mom na si Yasmien Kurdi at may kinalaman ito sa kanyang pinakamamahal na ina.

Ibinahagi ng award-winning Sparkle actress ang health condition ng kanyang nanay na si Mommy Miriam.

Sa pamamagitan ng Instagram Story, ibinalita nito na kailangan daw ng kidney donor ng kanyang ina na ilang araw ding na-confine sa isang ospital.

Ipinost niya ang kanyang litrato kasama si Mommy Miriam at ilang kapamilya na kuha sa loob ng isang hospital room sa National Kidney and Transplant Institute.


“Pinapatawa niyo ako sa comments niyo kahit dami ko pinagdadaanan lately. Sana discharged na kami tom.

“Pero ganu’n talaga ang life, for now dialysis muna si Mama, while waiting for kidney match at donor,” ang caption na inilagay ni Yasmien sa kanyang IG post.

Baka Bet Mo: Yasmien Kurdi dalawang dekada na sa showbiz, nag-uwi ng mga parangal: Always keep that fire burning!

Kasunod nito, nabanggit din ng aktres na makakalabas na ang kanyang nanay sa ospital kasabay ng pagpapasalamat sa lahat ng doktor at nurse na nag-alaga rito.

“MGH (May Go Home) NA KAMI NI MAMA. Thank you sa lahat ng doctors at nurses na nag-alaga kay mama dto sa NKTI…

“#Hemodialysis na si Mama while waiting for a #KidneyDonor… Thank you God for being with us through the hard times and giving us strength to keep going,” aniya pa.

Bumuhos naman ang mga positibo at inspiring message mula sa mga netizens at ilang celebrities na humiling at nagdasal para sa mabilis na paggaling ni Mommy Miriam.

Anak ni Ka Tunying na si Zoey Taberna cancer-free na: I thought it was the end for me, that my life would end at 13…

Read more: https://bandera.inquirer.net/317607/anak-ni-ka-tunying-na-si-zoey-taberna-cancer-free-na-i-thought-it-was-the-end-for-me-that-my-life-would-end-at-13#ixzz89wPxYUEh
Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook

Read more...