FINALLY, nailabas na ng “Cristy Ferminute” nitong Martes ang video ng paghuli kay Jeffrey Oh, ang Chief Executive Officer (CEO) ng Careless talent management.
Ilang beses na naming naisulat dito sa BANDERA ang tungkol sa pagkakaaresto kay Jeffrey Oh ng mga tauhan ng Bureau of Immigration dahil sa kawalan ng permit o dokumento para magpatakbo ng negosyo dito sa Pilipinas dahil siya ay isang banyaga.
Base sa video na inilabas nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika ay kitang-kitang nagulat si Jeffrey Oh sa biglaang pagdating ng mga tauhan ng BID.
Bungad ni ‘Nay Cristy, “Nakaraang linggo ay ibinalita po namin dito ang pagkakahuli sa bagong manager ni Liza Soberano na si Jeffrey Oh, siya po ang CEO ng Careless Management kung saan nakakontrata itong si Liza Soberano.
“Dahil po diyan ang dami-dami pong isyu na naglabasan kesyo hindi raw po totoo na hinuli ng mga tauhan ng BID itong si Jeffrey Oh, kesyo matagal na pong wala rito sa Pilipinas si Jeffrey Oh, kesyo gawa-gawa lang daw poi to ng mga taong naiingit sa kanya (at) wala raw pong naganap na hulihan sa Poblacion, Makati kamakailan,” sabi pa.
May official statement na binasa ang “CFM” host mula sa opisina ni Bureau of Immigration Commissioner Atty. Norman Tansingco na inaresto ng mga tauhan ng nasabing ahensiya ang American businessman “for allegedly working without permit.”
Base sa binasa ni ‘Nay Cristy, “BID arrested the 34-year old American in Poblacion, Makati after reportedly engaging gainful employment without the necessarily work permit in violation of Philippine Immigration Law.”
Binanggit pa na bukod sa Careless Management ay marami pang restaurant na pag-aari si Jeffrey Oh na walang necessary visa at dokumento kaya mahaharap siya sa kasong deportation at pansamantala siyang nakakulong sa BID Detention Center sa Bicutan, Taguig City during the proceedings.
Tatlong video ang ipinakita sa “CFM” kahapon at nagrereklamo raw si Jeffrey Oh na unfair daw dahil may mga taga-media na nasa labas ang naghihintay sa paglabas niya.
“Sabi ng BID, SOP (standard operation procedure) namin ‘yan, proteksyon mo at proteksyon din namin. Tapos sabi, ‘dalhin mo na lang ang passport mo (Jeffrey Oh) at ipaliwanag mo na lang sa opisina namin kung ano ang gusto mong sabihin.’
Baka Bet Mo: True ba, kasosyo ni James sa negosyo at talent manager ni Liza baka ipa-deport dahil sa patung-patong na reklamo?
“Ito po ay pagpapatunay mga Kapatid na sinabing ‘hindi totoong hinuli, matagal nang wala dito si Jefrrey Oh, ano ‘to, meron kang clone?” diin ni ‘Nay Cristy.
Dugtong naman ni Romel Chika, “Ayan na po ang resibo na sinasabing ‘naku hindi wala, hindi totoong hinuli at wala rito si Jeffrey Oh, e, ano ‘yan (video)?”
Nasambit din ni ‘Nay Cristy na ayaw ni Jeffrey Oh na makita ng media na nakaposas siya kaya makikita rin sa video na nakikipagdiskusyon siya sa mga tauhan ng BID.
Base pa sa video ay naroon din si James Reid nang dumating ang mga tauhan ng BID dahil nga nagmi-meeting sila ni Jeffrey Oh.
Balitang ang ama ng singer-actor na si Ginoong Malcolm Reid ang isa sa nagpahuli kay Jeffrey Oh dahil sa usaping pera naman ang kaso na hindi raw naibalik base sa napag-usapan nila.
Samantala, ibinalitang nakapag-bail na si Jeffrey Oh nu’ng Biyernes, Agosto 4 pagkalipas ng isang linggong pagkakakulong sa BID detention center sa Bicutan, Taguig City.
May pahabol si Nanay Cristy sa mga nagsasabing fake news ang balitang hinuli si Jeffrey Oh.
“’Yan ang mahirap, eh, hahamunin n’yo pa ‘yung mga tao na nakakaalam ng katotohanan. Kaisa-isang kredibilidad ng mga newsmen, ng mga reproters na inalagaan ng pagkatagal-tagal na panahon babaliktarin n’yo pa at gagawin n’yong mga sinungaling!
“Ito ay panahon na po ng social media wala na Romel, mga Kapatid na itatago ngayon!” mariing pahayag ni ‘Nay Cristy.
Anyway, nananatiling bukas ang BANDERA sa panig ni Jeffrey Oh at ng kampo niya.
Related Chika:
Cristy Fermin ibinunyag na ama ni James Reid ang nagpaaresto kay Jeffrey Oh, paano na kaya ang Hollywood dream ni Liza Soberano?