Jessy Mendiola umaming ‘praning’ na nanay, super thankful kay Luis Manzano: ‘Nakakakaba kapag first-time mom ka talaga!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Jessy Mendiola, Luis Manzano at Baby Peanut
SUPER thankful ang first-time mom na si Jessy Mendiola sa kanyang asawang si Luis Manzano dahil mas gumagaan ang pag-aalaga niya sa panganay nilang si Rosie o Baby Peanut.
Nagbigay ng update ang aktres tungkol sa pagiging parents nila ni Luis sa pamamagitan ng isang bagong vlog sa kanyang YouTube channel na may titulong “SPEND THE DAY WITH ME • REALISTIC MOMMY DUTIES.”
“Matagal-tagal ko nang hindi nagagawa ang vlog na ‘to. Finally nagkaroon ako ng energy na gawin ito. Ha-hahaha! Spend a day with me para naman ma-update kayo kung ano yung mga kaganapan dito sa sa bahay and kay Rosie of course. Siyempre, ayan yung magkakape tayo sa umaga para may energy,” ang simulang pagbabahagi ni Jessy.
“Mamaya makikita n’yo si Rosie. Natutulog lang siya ulit ngayon. Kakagising ko lang din ngayon.
“Kahapon nag-vaccine si Rosie so nag-monitor ako from midnight to 3 a.m. to 6 a.m. Paputol-putol yung tulog ko kasi tsini-check ko yung temperature niya. Okay naman.
“Wala namang problems, wala namang kahit ano. As a praning mom. Char! Ha-hahahaha! Siyempre first time ko magkaroon ng baby. First time lahat. Mabilis lang akong kabahan,” sey pa ng celebrity mom.
Sa isang bahagi ng vlog, nasabi rin ni Jessy kung gaano siya ka-thankful sa kanyang asawang si Luis, “Nakakakaba pag first-time mom ka talaga.
“Pero at the same time nakakatuwa kasi ang dami mong nadi-discover about your baby and of course about yourself. Na kaya ko pala yun, hindi ko akalain na kaya ko pala mag-alaga ng baby mag-isa.
“And of course si Haw-Haw (Luis) palagi niya akong tinutulungan kahit siya rin clueless kung ano yung dapat gawin. Kasi siyempre first time dad din siya. Kahit busy yan sa work, palagi rin yan tutok sa amin ni Rosie,” sabi pa ni Jessy.
Sa huli, nagbigay din siya ng payo sa mga tulad niyang baguhang nanay at tatay, “Sa mga first-time parents, dapat huwag kayong mahiyang humingi ng tulong or magtanong, kasi para sa anak niyo yan eh. Para din sa inyo. Ang pag-aalaga ng baby, paulit ulit lang naman.
“Depende sa bawat baby naman. Iba-iba naman ang baby siyempre. So ngayon, paulit-ulit lang din na nap, feed, tapos palit diaper or feed, nap tapos palit diaper tapos uulitin mo lang din hanggang sa finally mag-night time na tapos night routine na niya.
“Dapat sa mga newbie parents, huwag kakalimutan na magkaroon kayo ng time sa isa’t isa,” sabi pa niya.
Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang doktor at iba pang taong tumutulong at sumusuporta sa kanya bilang nanay, “Nagpapasalamat talaga ako sa pedia niya, si doc Romeo Nuguid thank you so much inaalagaan mo kami Doc. And of course yung mga kasama kong nag-aalaga kay Rosie.
“Thankful ako na malakas din yung support system ko pagdating sa pag-aalaga kay Rosie kasi mabilis akong kabahan, mas lalo na pagdating kay Rosie. Yung sarili ko okay lang eh, pero kapag siya na.
“Pagdating kay Rosie talaga, sobrang importante na updated ako or may pinagtatanungan ako na mas marunong pagdating sa bagay na yun, naka note sa utak ko lahat. Kung paano ang gagawin,” pagbabahagi pa ni Jessy.