Ilang eksena sa bagong pelikula ng kilalang aktor at aktres hindi pumasa sa producer, ipinaulit sa direktor

Ilang eksena sa bagong pelikula ng kilalang aktor at aktres hindi pumasa sa producer, ipinaulit sa direktor

Guess, guess who!? Ma-getsing n’yo kaya kung sino sila?

HABANG sinusulat namin ang balitang ito ay malamang “nagamot” na ang ilang eksenang nakunan sa pelikulang pagbibidahan ng sikat na aktor at aktres.

Hindi raw kasi ito nagustuhan ng mga producers pati na ng dalawang bida nang i-preview nila ang mga nasabing eksena.

Maganda naman daw ang pagkakasulat ng script, ang naging problema ay ‘yung pagkaka-execute ng direktor na tila kinabahan siguro dahil first movie pala niya ito at nasanay siya sa mga serye.

At dahil gusto nilang targetin ang Gen Z market kaya kinailangan nilang maglagay sa cast na kabilang sa  henerasyon na ito kaya isinama ang magka-loveteam mula sa isang TV network.

Maingay naman ang name ng loveteam, pero in terms of acting ay wala kaming makita at wala rin naman silang napapatunayan pa. Pero marami namang kinikilig sa kanila kaya siguro ito ang naging basehan ng direktor at producer para isama sila.

“Parang naliligaw ‘yung mga bida sa kuwento. Maski sila lito,” tsika ng aming source.

Baka Bet Mo: Dingdong nabiktima ng sindikato sa socmed, ginawan ng fake LinkedIn account

Pinakuwento namin ang istorya ng pelikula at nagandahan naman kami kaya sayang kung hindi ito nagawa nang tamang atake ng direktor kahit na lagyan pa niya ng kilig-kilig na loveteam.

Nabanggit ding metikuloso ang aktor at aktres na bida kaya nagsa-suggest din daw sila kung paano ang gagawin ng direktor at ito ‘yung “ginamot” na ewan kung ano na ang resulta kasi hindi pa kami sinasagot ng aming source tungkol sa update.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay hindi pa alam kung kailan ipalalabas sa mga sinehan ang pelikula dahil nga wala pang local movies na kumikita ngayon.

Tinanong namin dati sa source namin kung isasali sa Metro Manila Film Festival 2023 ang pelikula at smile lang ang sagot sa amin.

Papangalanan namin ang pelikula kapag malapit na ang showing o kapag nakasali nga sa MMFF.

Ken Chan hindi nagalit nang malamang pang-apat silang pamilya ng ama: ‘Parang na-excite pa ako nang ipagtapat niya’

Oyo loyal na loyal kay Kristine: Kung wala si God, malamang nagloko na ‘ko, may anak na sa ibang babae

Read more...