Joshua Garcia ‘sineryoso’ ang pagluluto, sumabak sa culinary lessons

Joshua Garcia ‘sineryoso’ ang pagluluto, sumabak sa culinary lessons

PHOTO: Instagram/@garciajoshuae

ISANG bigating artista nanaman ang nahihilig sa pagluluto!

Siya’y walang iba kundi ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Sa pamamagitan ng Instagram Stories, proud na ibinandera ng aktor na sumalang siya sa culinary class ni Chef Gene Gonzales sa Center for Asian Culinary Studies Manila.

Nag-post din mismo ang chef sa kanyang Instagram account at ibinandera ang ilang litrato habang tinuturuan ang aktor.

Kalakip din niyan ang caption na ipinahayag niya ang pagkabilib kay Joshua sa pagluluto, lalo na’t ito raw ang first day nito sa kanyang lessons.

“Proud to handle the first day of our new student, @garciajpshuae Joshua Garcia….Great Stamina considering he did 2 days worth of lectures and lab work today!!!,” wika niya sa IG.

Baka Bet Mo: Tanong ng mga Marites: Joshua Garcia, Emilienne Vigier nagli-live in na nga ba?

Mukhang kinarir na talaga at sineryoso na ni Joshua ang kanyang pagkahilig sa pagluluto.

Kung maaalala noong July 24, ibinahagi ni Joshua sa social media ang tinatawag niyang “Cooking Diary.”

Kalakip nito ang ilang litrato ng mga niluto niyang chicken and pork katsu, honey garlic chicken, at kinamatisang pompano.

Naging usap-usapan pa nga ‘yan dahil ibinandera rin ng French-Filipino athlete na si Emilienne Vigier ang kaparehong pictures na ipinost ni Joshua.

Tanong tuloy ng netizens kung si Emilienne na nga ba ang dyowa ni Joshua.

Samantala, ilan pa sa mga sikat na artista na nag-aral ng culinary ay sina Jodi Sta. Maria, Sarah Geronimo,  Sofia Andres, at marami pang iba.

Related Chika:

Jodi mala-‘Masterchef’ sa bagong ganap sa life: ‘I’m learning new skills in cooking and baking’

Read more...