Christian Bautista lumuhod, hinarana ang asawang si Kat Ramnani sa harap ng showbiz press: ‘The best wife, sobra!’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Kat Ramnani at Christian Bautista
LUMUHOD, hinalikan sa kamay at hinarana ng Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista ang kanyang asawang si Kat Ramnani sa harap ng entertainment press kamakailan.
Nangyari ang nakakakilig na eksena ng celebrity couple sa media launch ng NYMA (talent management) na ginanap sa Power Mac Center Spotlight last August 4.
Ipinakilala sa nasabing event ang mga bagong talents ng NYMA na pinamumunuan ni Kat at isa nga si Christian sa mga ito, co-managed ng Stages ni Carlo Orosa. Si Kat ang CEO ng NYMA (Now You Must Aspire).
Kaya naman ang isa sa mga naitanong ng press sa mag-asawa ay paano ang takbo ng relasyon nila ngayong si Kat na nagma-manage sa career ng kanyang asawa.
“Di ba, pangarap yan ng lahat na maging boss mo yung asawa mo?” birong chika ni Kat. “Pero joking aside, may solusyon lang po diyan. Simple lang po yan. Ipapasok ang third party. Pero hindi third party na relationship.
“Hindi po sa relationship…dito, third party sa management. So, with NYMA, we have the amazing Karen Tumbali. Karen Tumbali heads my talent team. I look after the entire NYMA business.
“Karen has 20 years of talent management experience. So, Karen personally oversees Christian’s career and the direction and partnership with Mr. Carlo Orosa and the rest of the Stages group,” pagbabahagi pa ng talent manager.
Sundot na tanong sa kanila kung sino naman ang boss pagdating sa kanilang tahanan, sagot ni Christian, “Lahat ng mga plano, naka-presentation deck, pinagplanuhan, binigyan ng oras, and talagang pinag-isipan, may pagmamahal.
“Yun ang sabi nila, hinihingi muna nila kung ano ang gusto mong gawin, tapos sige try natin. Kesa sa eto gawin mo! So, merong collaboration. Pero sino ba talaga ang boss sa bahay? Madali lang yan! Si Jesus!” ang super safe na sagot ni Christian.
Sabi naman ni Kat, “I think that our worklife is separate from our homelife right now. Our marriage is a separate thing from working together.
“But in our house, the true boss is our dog Zorro. Because our life revolves around him. So, in our home, aso ang totoong boss,” dagdag pa niya.
At nang tanungin si Christian kung kumusta naman si Kat bilang wifey, “The best! The best wife, sobra!”
“Pag na-meet mo na talaga yung the one in your life, parang ang dali ng lahat. Kahit ano pang pinagdadaanan niyo, kaya niyo yun. Kasi, minamahal niyo at iniintindi niyo ang isa’t isa,” aniya pa sabay kanta ng kanyang signature song na “The Way You Look at Me” sabay luhod sa harapan ni Kat with matching kiss sa kamay.
Kasunod nito, in-explain din ni Christian kung bakit pumayag siyang i-manage ng kanyang asawa, “One of the reasons why I joined their wonderful company along with Stages, of course, is yun nga yung direction nila, yung strategy. I need to be in this space, in this digital. I’m so excited for the future. I’m so proud.
“I’m so appreciative with my manager, sina Carlo, sina Kuya Audie (Gemora) and talagang… again with NYMA kasi, parang together, they saw potential. I’ve been here parang 20 years. I’ve done movies, radio, concerts, teleseryes, what’s next?
“Sa panahon ngayon, the way to go really is collaboration para tulung-tulong, partner tayo at kung kanino next tingnan natin,” sey pa ng Kapuso artist.
Samantala, aside from Christian, ang iba pang artists na ipinakilala sa media launch NYMA ay ang tinaguriang “lumpia kween” na si Abi Marquez, ang Home Buddies “Mayora” na si Frances Cabatuando, ang visual artist at content creator na si Raco Ruiz, ang cycling advocate na si Lester “Buji” Babiera, si Jukay “Jookstogo” Jurao, ang American singer-songwriter na si Jamie Miller, at ang Korean-American singer, songwriter, actor at podcaster na si Eric Nam.