ILANG linggo nalang pala magpapasukan nanaman ang mga bata sa mga eswelahan.
Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na sa darating na August 29 na ang balik-eskwela sa mga pampublikong paaralan.
Ang sakop niyan ay mga estudyante mula elementary hanggang high school.
Nabanggit din sa inilabas na advisory ng DepEd noong August 2 na ang mga pribadong eskwelahan ay binigyan ng option na simulan ang klase sa kahit anong petsa basta ito ay simula sa unang Lunes ng Hunyo.
As of this writing, wala pang detalye ang ahensya kung ilan ang inaasahang enrollees para sa school year na ito.
Baka Bet Mo: Viral TikTok video ng isang guro iimbestigahan ng DepEd
Pero nabanggit ng education department na ang lahat ng grade levels ay awtomatik nang naka-enroll, maliban lang sa mga Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 students.
“Two weeks before opening [of classes, the other] learners only need to confirm their enrollment in the same school for the school to properly plan class programs/sectioning,” sey ni Assistant Education Secretary Francis Bringas.
Base sa data ng nakaraang taon, hindi bababa sa 24.8 million learners ang naka-enroll sa <span;>44,931 public schools at 12,162 private schools nationwide.
Samantala, a<span;>ng taunang “Brigada Eskwela” ay mangyayari simula August 14 hanggang 19.
Muling ipinaalala ng DepEd ang striktong pagbabawal ng paghingi o pagtanggap ng pera mula sa mga magulang o legal guardians, volunteers, partners at stakeholders.
“School heads, teachers, and other school personnel are strictly prohibited from soliciting or collecting any form of contribution, including but not limited to Brigada Eskwela fees,” lahad ng ahensya.
Aniya pa, “True to the spirit of volunteerism or bayanihan, Brigada Eskwela shall veer away from any form of competition, but rather initiate, encourage and strengthen cooperation and collaboration among education stakeholders.”
Read more:
Teacher sa viral TikTok video nag-sorry na
Kim na-pressure sa outfit requirement sa birthday ng kaibigang stylist