SHOOKT ang madlang pipol sa pasabog ni Miss Millennial 2018 Shaila Rebortera ukol sa pagkakaroon nila ng anak ni “Magandang Dilag” star Rob Gomez.
Ito ay ibinandera ng beauty queen nitong nitong Biyernes ng gabi, August 4, sa kanyang Instagram page.
Sa mga naunang larawan ay makikita ang kanyang baby girl pero sa mga sumunod ay kasama na nila si Rob sa picture.
“I’ve always been told to wait for the perfect time to tell the world about you. However, I realized, there is no such thing as ‘perfect time.’
“We only have one life to experience these moments and it is in our hands to make these moments perfect,” saad ni Shaila.
Makikitang naka-tag si Rob sa naturang post ng beauty queen.
Pagpapatuloy niya, “My life, for the most part, has always been private — but honest. For over a year, I’ve been bursting to show you to the world, and to show you the world.
“My heart has never known this much love until I had you, my Amelia.”
Baka Bet Mo: Rob Gomez hinding-hindi malilimutan ang ginawa sa kanya ni Tom Rodriguez sa loob ng elevator
Mukhang nag-ugat ang biglaang pag-amin ni Shaila sa kanilang relasyon ng aktor at pagkakaroon nila ng anak sa naging sagot nito sa kanyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
Nausisa kasi si Rob ptungkol sa kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ng “Magandang Dilag” co-star na si Herlene Budol.
Kamakailan kasi ay kapansin-pansin ang pagiging malapit ng dalawa dahil bukod sa pagiging present nito sa nagdaang Miss Grand Philippines 2023 coronation night ay sila rin ang magka-date sa GMA Gala 2023.
Lahad ni Rob, “We’re really friends. She’s a really really smart and funny girl. I’m lucky to be able to work with her.”
Single rin daw siya sa ngayon ngunit sinabi niyang may nililigawan siya sa ngayon.
“Kawawa naman tayo kung wala tayong love life,” sey pa niya.
Ngunit tila hindi naman ito makasagot nang diretso nang tanungin kung may dine-date ito sa kasalukuyan.
“We always have someone,” sabi na lang nito.
Dagdag pa nito, “Masaya naman po tayo ngayon. I’m very happy with how everything’s going—with work, with my life outside of work. Everything’s good.”
Para sa mga hindi aware, si Shaila ang nagwagi bilang Miss Millennial Philippines 2018, isang beauty contest ng “Eat Bulaga”.
Noong 2021 naman ay itinanghal siya bilang Miss Multinational Philippines at isa na rin siyang licensed dentist.
Related Chika:
Herlene Budol puring-puri ni Rob Gomez: I’ve always seen her as a real, real person!