Melai Cantiveros ‘kinilig’, nagpa-picture kay Korean heartthrob Do Ji-han: Very oppa and mabait!

Melai Cantiveros ‘kinilig’, nagpa-picture kay Korean heartthrob Do Ji-han: Very oppa and mabait!

PHOTO: Instagram/@mrandmrsfrancisco

MARAMING netizens ang napa-sana all sa latest social media post ng actress-comedienne na si Melai Cantiveros.

Paano ba naman kasi, na-meet niya in-person ang sikat na Korean heartthrob na si Do Ji-Han.

Para sa mga hindi pa masyadong aware, ilan lamang sa mha pinagbidahang proyekto ni Ji-Han ay ang hit movie na “The Tower” at hit K-Drama na “Hwarang: The Poet Warrior Youth.”

Sa Instagram, masayang ibinandera ni Melai ang picture nilang dalawa.

Kwento ng aktres, nakita niyang nagja-jogging ang Korean idol kaya hindi na niya pinalampas na makapagpa-picture.

Inilarawan pa nga niya ang aktor na gwapo at mabait!

Caption niya sa naturang post, “Guys my nakita akong nag-jogging dito sa set namin kanina [smiling face with hearts emoji], very Oppaa and very mabait [red heart emoji] see you soon Oppaaa Dojihan [red heart emoji] the best [okay emojis].”

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros bentang-benta ang mga banat sa IG stories, sigaw ng netizens: ‘Bigyan ng sariling show yarn!’

Dinumog naman ng maraming K-Pop fans ang IG post ni Melai at tuwang-tuwa sa ibinandera niya.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Omgggg BAN RYU HWARANG!!! Parang gusto ko na rin mag-jogging sa Korea [laughing face emoji].”

“Huyyy! Swerte ni Melai HAHAHAHA [red heart emojis] Mapapsanaol nalang po ako ngayon dito sa bahay po.”

“Congrats momshie successful ka sa shooting mo po keeping up with the KAMSAMI FAMILY!!! [red heart emoji]”

Kasalukuyang nasa South Korea pa rin si Melai para sa kanyang acting gig sa Korean drama na “Maam Chief.”

Magugunita noong July 21 ay ibinahagi pa niya ang ilang behind-the-scenes photos na kung saan ay kasama niya ang ilang production crew ng nasabing proyekto.

Related Chika:

Balak na nga bang layasan nina Jennylyn at Dennis ang Pinas at sa Amerika na manirahan?

Read more...