Jomari Yllana, Abby Viduya 2 beses magpapakasal; may civil union sa US sa November at may church wedding sa Pinas sa 2024
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Abby Viduya at Jomari Yllana
BONGGA! Dalawang beses palang magpapakasal ang celebrity couple na sina Jomari Yllana at Abby Viduya – una sa Amerika at susundan ng isa pa rito sa Pilipinas.
Nakachikahan namin at ng ilan pang members ng media sina Abby at Jom sa presscon ng “Motorsport Carnivale 2023”, ang 5-day sporting event organized by Yllana Racing and Philippine Rallycross Series, presented by Okada Manila na nagsimula na ngayong draw.
Masaya nilang ibinalita na may final date na ang kanilang civil wedding sa Amerika na magaganap this year, “Yes, November na. We’re going to Vegas. We’re gonna pull-off a JLo (Jennifer Lopez) and Ben Affleck wedding. Kasi, gusto namin na kami lang dalawa at first.”
Patuloy pa niya, “A few of our family members will be joining us there, like my daughter. My eldest daughter will be joining us in Vegas and some of Jom’s relatives.
“By next year or early 2025, we will have our church wedding in Naga City, where his parents got married, in Peñafrancia Church. We’re very happy that we’re finally taking this step,” aniya pa.
At hulaan n’yo kung sino ang punong-abala sa pag-aaikaso sa kanilang kasal, “Actually, it’s him. He’s making asikaso and all the plans. Actually, in the beginning of the planning, sabi ko, ‘Sige, ako na.’ Sabi niya, ‘No, magpi-freak out ka lang. Let me, let me…’ ‘Okay.'”
Muling naikuwento ng dating sexy actress (nakilala rin noon bilang Priscilla Almeda) ang makulay at inspiring na love story nila ni Jomari na naudlot nu’ng una hanggang sa magkatagpong muli makalipas ang mahabang panahon.
Sey ni Abby, “Ano naman, the feeling that we know that it’s forever. It’s the best. Like, alam mo yong feeling na you’re home? You’re with the one that you’re meant to be with? Ganu’n, e.”
Nu’ng mag-live in daw sila ay saka nila napatunayan na talagang sila ang itinadhana, “Nitong pandemic, nang mag-start ang lockdown. It can make it or break it when you’re together 24/7 for how many months.
“Some separated. But with us, our love grew. We got to know each other more. Lahat ng mga quirks namin, lumabas. Mas nakilala namin ang isa’t isa.
“The moment I came back, yun na yun, alam ko na. Noong nasa Canada pa yata ako, alam ko na. Alam ko na soulmate ko siya. This is it!” aniya pa.
Pagpapatuloy pa niya, “I believe, there’s really a special someone for everyone. It doesn’t matter how old you are. Totoo to ha, I’m not kidding. I mean, I’ve been through so much.
“That special someone will be given to you as long as you asked it from Above. But when you ask it from Above, be specific. Totoo yan, prayer talaga. I didn’t prayed exactly for the person. I prayed na ibigay sa akin yung dapat for me,” sabi pa ng future wife ni Jomari.