‘Childhood dream’ ni Ice Seguerra natupad na, umeksena sa concert ni Alanis: ‘Gagalingan namin para sa ‘yo at sa lahat ng fans mo! Wooohoooo!’

'Childhood dream' ni Ice Seguerra natupad na, umeksena sa concert ni Alanis: 'Gagalingan namin para sa 'yo at sa lahat ng fans mo! Wooohoooo!'

Ice Seguerra at Alanis Morissette

KAGABI naganap ang unang pagtatanghal ng international artist na si Alanis Morissette para sa kanyang “Jagged Little Pill” concert sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City.

And as expected, talagang naki-party at naki-jamming ang kanyang Filipino fans sa kanyang mga hit songs sa first night ng kanyang concert. Mamayang gabi naman magaganap ang second night nito.

Isa sa mga naging highlight ng Manila leg ng “Jagged Little Pill” ay ang pagiging front act ng OPM icon at singer-songwriter na si Ice Seguerra. Pinalakpakan din nang bonggang-bongga ang performance ni Ice ng mga nanood sa concert.


Bago pa mag-perform si Ice, nag-post muna siya ng mahabang status sa Facebook kung saan ibinandera niya ang kanyang nararamdaman sa panibagong blessing na natanggap niya bilang artist.

Narito ang buong message ni Ice.

“Today and tomorrow will be two of the best days of my life. I’m living my childhood dream!!!

“12 years old ako nung Una kong narinig sa radyo nun yung Hand In My Pocket. Mula noon lagi ko na inaabangan sa radyo at sinusubaybayan sa MTV.

“Tapos di na ako nakatiis kaya binili ko na yung album. Mula pag gising hanggang pagtulog, siya pinakikinggan ko, alternate sila ng Color It Red kasi paborito ko rin sa Catherine Chua.

“Inaral ko yung mga kanta niya sa gitara pero ilan lang yung natutunan ko kasi konti pa lang alam ko na chords. Tapos dinadala ko yung gitara ko school tapos kakantahin na namin mga kanta niya.

Baka Bet Mo: Mommy Caring todo-iyak nang malaman ang pinagdaanang depresyon at anxiety ni Ice Seguerra

“Nu’ng nalaman ko na mag coconcert siya dito, pucha, hindi pwedeng hindi ako manonood. Kaso bilis naubos ng tickets. Akala ko talaga, hindi na ako makakanood. Tapos ayun, sabi ng ninang ko, meron daw siya. Kaya ayun, pagka pick-up ko ng tix, diretso na ako ng Araneta.

“Punong-puno ng tao nun. Yung ticket ko, nakapwesto sa pinakalikod ng stage. Puro buhok lang ni Alanis at pwet ng drummer (yes, low waist siya so kita ko). Pero ok lang kasi sobrang solid nang tugtugan. Kinanta niya lahat ng nasa album!!! Langit!!!!!

“Nu’ng time na yun ng buhay ko, wala sa kamuwangan ko na magiging singer pala ako. Pero nasa core memory ko ang Alanis experience ko; yung music niya, yung banda niya. She has influenced me so much especially nung bata pa ako,” pagbabahagi ng singer-songwriter at aktor.


Napanood din daw niya ang “Jagged Little Pill Anniversary Tour” sa Amerika, “This time, nanood ako hindi lang bilang isang fan, but as a singer and a musician.

“Mas lalo kong na-appreciate yung songs niya. Mas naintindihan ko. As she matured as a woman, her life experiences gave the new rendition of her hits more depth, texture, and color. Napakasarap and I was on a high.

“I was really planninng to watch her concert here but the pandemic happened. So nung nag schedule na sila ulit, sabi ko, ‘okay na, happy nako na napanood ko siya,'” aniya pa.

Hanggang sa, “A few weeks ago, I got a text from Tito Renen of Ovation asking me if I’m available on Aug. 1 and 2 to open for Alanis. Pucha, hindi ako makapaniwala but I didn’t want to get my hopes up kasi i-susubmit pa yan and for approval pa ng team ni Alanis.

“Then I got the text saying na they approved of me and it’s a go!!! Sheeeeeeeettttttt!!!! MY GAAAAAAHD!!!!

“I’m on my way now to MOA to do our sound check. I have my boys with me and we will just enjoy playing tonight and tomorrow. This is such a full-circle moment for me; to open the concert for my heroine.

“Gagalingan namin para sa iyo at sa lahat ng fans mong nagsamasama to celebrate you, Alanis!!! Wooohoooo!!!” ang tuwang-tuwa pang chika ni Ice.

Ilan sa mga pinasikat na kanta ni Alanis ay ang “You Learn,” “Head Over Feet,” “All I Really Want,” “Thank You,” “Mary Jane,” “Uninvited,” “Perfect,” “Forgiven,” “Right Through You,” at “Wake Up.”

Ice Seguerra forever tatanaw ng utang na loob kay Bossing at sa Eat Bulaga: Ito ‘yung panahong nagpupumilit akong mag-loveteam

Ice Seguerra hinding-hindi malilimutan nang biglang malaos, plano nang mag-quit sa showbiz: Tutugtog na lang ako sa barko…

Read more...