EXCLUSIVE: ‘Hangout Buddies’ patok na tambayan sa socmed, 1 taon palang may higit 200k members na

EXCLUSIVE: ‘Hangout Buddies’ patok na tambayan sa socmed, 1 taon palang may higit 200k members na

PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

MAY bagong patok na Facebook community na talaga namang tinatambayan ngayon ng maraming netizens.

Ito ang “Hangout Buddies” na ang goal ay matulungan ang maraming netizens na magkaroon ng best hangout place at best vacation ever.

Biruin niyo, isang taon pa lang ang nasabing group account ay mayroon na itong mahigit 204,000 members and counting!

At para sa mga hindi pa masyadong aware, alam niyo ba na ang “Hangout Buddies” ay ang sister FB group ng sikat na “Home Buddies.”

Noong July 29 ay nagkaroon ng first-ever “Kapit Biyahe” meet up ang nasabing grupo na naganap sa isang restaurant sa Katipunan, Quezon City.

Baka Bet Mo: Sylvia original ‘adventure buddy’ ni Arjo: ‘Ako ‘yan dati, Maine…pero masaya ako na ikaw na ang kasama’

Libre lamang ang event na kung saan ay bukod sa masasarap na pagkain ay may mga pasabog pa itong mga palaro na may bonggang mga papremyo mula sa kanilang sponsors. 

Nasaksihan mismo ito ng BANDERA at doon nga namin nakachikahan ang founder at binansagang Mayora ng dalawang FB groups na si Frances Cabatuando.

Sey ni Frances, “So ngayon, may bagong community, its ‘Hangout Buddies’ and it’s a new community on Facebook about – ang sinasabi ko, it’s a travel and tambay community.”

“So ang difference niya with other travel groups is sa kanila puro destinations, beach, you know, laging malaking plano. But in Hangout Buddies what I really wanted to cultivate is really were all just hanging out,” paliwanag niya.

Patuloy niya, “It encourages people to come out again. Kasi nga ‘yung pandemic closed us at home and now we are just inviting people to hangout with others and build connections once again.”

Ayon pa kay Frances, naisipan niyang gumawa ng panibagong group dahil bukod sa dumadami ang magagandang Home Buddies-inspired na Airbnb ay maraming tao na rin ang naghahanap ng mga pwedeng mapasyalan.

“‘Yung first trigger talaga why I wanted to create the second group is sa Home Buddies may mga na-inspire to turn their homes into vacation homes. So nagkaroon ng mga magagandang Airbnb na sinasabi nilang Home Buddies-inspired,” sambit ni Mayora.

Dagdag pa niya, “So kapag pinost siya sa Home Buddies, parang off topic siya kasi while it’s still interior decoration, hindi na siya home and we want to preserve Home Buddies as everything home.”

Nabanggit din sa amin ni Frances na dahil nais niyang matutukan talaga ang lumalaki niyang community ay nagawa niyang tumigil at mag-resign sa kanyang trabaho.

Mayroon siyang halos 20 moderators, pero iba pa rin daw kapag hands-on siya sa dalawang FB group.

“Full time ko na siya now. Last year, I resigned from my job. Ngayon, I do events so katulad nito, minsan nag-bazaar na rin kami before. Hindi ko nga alam kung ano ang tawag sakin kasi hindi talaga ako content creator,” chika niya.

At speaking of events, target daw ng Hangout Buddies na muling buhayin ang pagiging aktibo ng mga tao na makabuo ng pagkakaibigan at koneksyon kaya abangan pa raw ang mga susunod na meet up events na kanilang ihahanda.

“What we want talaga is to build authentic connections kasi ang dali nga mag-chat online pero mabilis lang din mawala ‘yun kapag tinamad na sila. But once we meet each other in person, magkakaroon sila ng real friendship and that’s what we want hopefully na kahit na wala si Mayora, pwede silang mag-hang out on their own and post it in the group,” saad ni Frances.

‘Kapit-biyahe meet up’ event. PHOTO: Courtesy Sean Jimenez

Sa huli ng aming panayam kay Mayora ay nagpaabot siya ng mensahe sa mga miyembro ng kanyang community at sa mga nais maki-join sa grupo.

“Sa mga kapitbahay na ngayon ay kapit-biyahe na, Hangout Buddies is really where we all just hangout, walang pressure to talk about the best destination, the yummiest food because those doesn’t matter,” saad niya.

Patuloy niya, “What we want is for you to share kung saan ka ba nagpunta. Kasi, what’s not best for you could be best for someone else. So ang gusto lang natin is to make people parang enjoy more of life or what we have around us.”

“Huwag lang kayo mahiyang mag-share and think Hangout Buddies as your buddies talaga na you can hangout with,” aniya pa.

Related Chika:

Read more...